PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

32 centenarians sa Davao City, tumanggap ng tig-PHP100K

Ang pinakamatandang awardee ay 114 years old.
by KC Cordero
Published Oct 5, 2022
Some of the awardees at the 1st Dabawenyo Centenarian Awardee
Sa isinagawang 1st Dabawenyo Centenarian Awardee ng Davao City, 32 centenarians ang pinagkalooban ng plake at PHP100K cash. Maaari pang magpa-validate ang ibang centenarian kahit tapos na ang event para makatanggap din ng incentives. (Photos courtesy of City Government of Davao)

Pinarangalan ng City Government of Davao, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ang 32 centenarians.

Nangyari ito sa ginanap na 1st Dabawenyo Centenarian Awardee noong October 3, 2022, sa Grand Menseng Hotel sa lungsod.

1st Dabawenyo Centenarian Awardee event

Attendees at the 1st Dabawenyo Centenarian Awardee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan sa mga awardees ang personal na nakadalo sa pagtitipon, samantalang ang iba ay kinatawan ng mga kapamilya.

Bawat awardee ay tumanggap ng plake at PHP100,000 cash.

Si Lola Madelena ang pinakamatanda sa mga awardees. Siya ay 114 years old, malakas pa rin, at nakakaawit pa.

Lola Magdelena

Ayon sa tweet ng ABS-CBN noong September 30, dating komadrona si Lola Madelena, at hanggang ngayon ay nakakahilot pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga naging eligible para sa award ay sumapit na sa kanilang ika-100 taon matapos ang December 2, 2021.

Sa nasabing petsa rin ipinasa ng Davao City Council ang Executive Order No. 20 Series of 2022, o ang “An Order Honoring Centenarians in the City of Davao."

Nagkabisa ang EO 20 ng lungsod noong May 19, 2022, kung kailan nasa acting capacity pa lang si Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang kahalili ng kapatid na noon ay city mayor na si Sara Duterte.

Tumakbong vice president si Sara sa May 9 national elections.

Centenarians at the 1st Dabawenyo Centenarian Awardee

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod sa cash assistance, ang centenarians na nanggaling pa sa malalayong lugar, gaya ng Marilog District, ay binigyan ng hotel room accommodations noong umaga bago ang event.

Maaari pang magpa-validate ang ibang centenarian kahit tapos na ang event para makatanggap din ng incentives.

Kailangan lang nilang punan ang application form sa CSWDO-District Office at magpakita ng birth certificate o passport.

Tatanggapin din bilang proof of identity ang primary at secondary IDs gaya ng barangay at senior citizen ID.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa isinagawang 1st Dabawenyo Centenarian Awardee ng Davao City, 32 centenarians ang pinagkalooban ng plake at PHP100K cash. Maaari pang magpa-validate ang ibang centenarian kahit tapos na ang event para makatanggap din ng incentives. (Photos courtesy of City Government of Davao)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results