PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kambal na anak ng 19-year-old Brazilian mom, magkaiba ang tatay

Pambihira pero nangyayari talaga ito.
by KC Cordero
Published Sep 26, 2022
Photo of two strollers
Ang pagkakaroon ng anak na kambal na magkaiba ang ama ay tinatawag na “heteropaternal superfecundation.” Posibleng mangyari ito kung nagkaroon ang babae ng sexual activity sa dalawang magkaibang lalaki sa loob ng isang araw.

Isang 19-year-old na babaeng Brazilian ang nanganak ng kambal, pero magkaiba ang ama ng mga ito.

Ang pambihirang pangyayaring ito ay ibinalita ng World Is One News (WION) website noong September 8, 2022.

Itinago ang pagkakakilanlan sa young Brazilian mom.

Ayon sa Biomedica journal, ang pangyayaring ito ay tinatawag na “heteropaternal superfecundation.”

Nangyayari ito kapag ang nai-release na second ova sa menstrual cycle ay na-fertilize ng sperm cells ng ibang lalaking naka-sex ng babae sa ibang pagkakataon.

Sa ulat ng WION, inamin ng nanay ng kambal na nagkaroon siya ng sexual activity sa dalawang lalaki sa iisang petsa.

Nang malapit nang mag-one year old ang kambal, nagdesisyon siyang ipa-DNA test ang mga ito.

Isa sa dalawang lalaking naka-sex niya ang hinilingan niya ng DNA test dahil ito ang ikinukonsidera niyang nakabuntis sa kanya.

At lumabas nga sa resulta na sa isang baby lang nag-match ang DNA nito.

Kaya hiniling niya sa isa pang lalaki na magpa-DNA test din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "I remembered that I had sex with another man and called him to take the test, which was positive."

Hindi umano siya makapaniwala.

"I was surprised by the results. I didn’t know this could happen. They [babies] are very similar."

Pero ayon sa physician ng babae na si Dr. Tulio Franco, bihirang pagkakataon ito at one-in-a-million occurrence, pero hindi imposibleng mangyari.

“It is possible to happen when two eggs from the same mother are fertilized by different men," ani Dr. Franco.

Dagdag pa ng doktor, ang kambal ay pareho ng genetic structure ng kanilang ina.

Hindi rin niya inakalang mararanasan niya ang ganitong sirkumstansiya sa kanyang buhay.

Ibinahagi naman ng ina ng kambal na sa ngayon, isa lang sa dalawang tatay ang nagbibigay ng suporta sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang pagkakaroon ng anak na kambal na magkaiba ang ama ay tinatawag na “heteropaternal superfecundation.” Posibleng mangyari ito kung nagkaroon ang babae ng sexual activity sa dalawang magkaibang lalaki sa loob ng isang araw.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results