PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Ngiting panalo ng batang naputikan ang school uniform, shoes

“Kaya pa ba, bebegirl?”
by KC Cordero
Published Aug 26, 2022
The smiling baby girl
Napaka-sweet naman ng smile ni "bebegirl" na kahit naputikan ay happy pa rin sa kanyang schooling. Sabi nga ng netizens, nakaka-good vibes, nakakatanggal ng stress, at napaka-positive ng kanyang larawan. (Photo courtesy of Bombo Radyo Roxas)

Good vibes ang hatid ng larawan ng isang little girl na nakaangkas sa motorsiklo.

Suot ang school uniform, tila siya ay inihatid o di kaya ay sinundo sa paaralan.

Ang larawan ay ipinost ng Bombo Radyo Roxas noong August 24, 2022.

Nakahinto ang nagmamaneho ng motorsiklo at inaayos ang payong ng little girl nang makunan ng picture.

Nakatingin naman ang baby girl sa kumukuha ng picture, at pinakawalan ang kanyang sweet smile.

Ang caption sa picture: “Kaya pa ba, bebegirl?”

Punung-puno kasi ng putik ang ibabang bahagi ng school uniform ng bata. Maging ang pang-itaas niya ay may mga tilamsik na rin ng putik.

Hindi na makita ang kulay ng kanyang sapatos dahil nakulapulan na rin ng putik.

Kung pagbabatayan ang hitsura niya, ng naghatid sa kanya, at maging ng motorsiklo, mahihinuhang dumaan sila sa sobrang maputik na daan.

Ang nasabing post ay nakakuha na ng 240K reactions, 4.8K comments, 9.8K shares.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tuwang-tuwa naman sa smile ng baby girl ang netizens, at nagbigay sila ng iba’t ibang opinyon dito bukod sa sobrang good vibes na kanyang hatid.

Netizens' reaction to the photo of smiling baby girl

Nakakawala umano ng pagod sa parents kung ganito ang attitude ng anak, na kahit mahirap pumasok sa school ay masaya pa rin.

Ngiting tagumpay, sabi ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Netizens' reaction to the photo of smiling baby girl

Marami ang nagsabing nakaranas din silang maputikan nang ganito noong nag-aaral pa sila sa probinsiya.

May nag-suggest naman na ilagay sa plastic ang school uniform at bihisan na lang ang little girl pagdating sa school.

Netizens' reaction to the photo of smiling baby girl

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinuri nila ang tiyaga ng naghahatid-sundo, na marami ang nag-assume na tatay ng bata.

Ilan din ang nag-shout-out sa Department of Public Works and Highways na bigyang-pansin ang mga kalsada at daan sa mga probinsiya para maiwasan ang mga ganitong senaryo.

Ang larawan ni little girl ay isang patunay na, “A picture paints a thousand words.”

At sa dami ng mga magagandang komento ng netizens, ang kay Marbel D. Deviente na siguro ang pinaka-standout at may positibong mensahe: “Difficult roads often lead to beautiful destinations. Just smile.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napaka-sweet naman ng smile ni "bebegirl" na kahit naputikan ay happy pa rin sa kanyang schooling. Sabi nga ng netizens, nakaka-good vibes, nakakatanggal ng stress, at napaka-positive ng kanyang larawan. (Photo courtesy of Bombo Radyo Roxas)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results