Ang Holy Bible na ginamit ni President Ferdinand R. Marcos Jr. o BBM sa kanyang oath-taking ceremony bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas ay tinatayang 57 years old.
Ito rin kasi ang ginamit ng kanyang amang si former President Ferdinand E. Marcos Sr. noong December 30, 1965.
June 30, 2022 ang inauguration ni BBM na naganap sa National Museum sa Padre Burgos Avenue, Ermita, Manila.

Ang impormasyon tungkol sa Holy Bible ay nagmula sa National Library of the Philippines (NLP).
Ayon sa post ng NLP sa official Facebook page nito ngayong June 30, “The National Library of the Philippines [NLP] is privileged to be part of the Presidential Inauguration of His Excellency President Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. by leading the repair and reconditioning of the Bible used during his oath-taking on 30 June 2022 at the National Museum of Fine Arts.
“The Filipiniana Division of NLP managed the cleaning and repair process of the same Bible used by his father.”

Binanggit din ng NLP na dalawang bible ang ginamit ng ama ni President Marcos Jr. nang manumpa ito noong 1965.
Isa lang ang ginamit ngayon sa panunumpa ng bagong presidente.
Walang binanggit ang NLP kung nasaan ang isa pang bible.
Nag-post din ang NLP ng video kung paano nilinis at ni-restore ang lumang bible.