Pinag-uusapan ang kakaibang features ng Zero Star Hotel sa Switzerland.
Sa lokasyon nito, papasok agad sa isip ang Swiss Alps at ang magandang view sa lugar.
May kumportableng higaan, magandang beddings, breakfast, drinks, at may butler service pa.
Yun nga lang, ang room ay sadyang walang bubong, kaya "sleep under the stars" ang isa sa kakaibang features nito.
Wala ring pader, kaya tanaw na tanaw mo ang mala-wallpaper na hills and mountains.
May bahaging katabi ng isang gasolinahan, meron ding nasa gitna ng vineyard.
Ang “hotel” na ito ay isang art installation at ideya ng kambal na Swiss concept artists na sina Frank Riklin at Patrick Riklin.
At sadyang "sleepless night" ang bentahe nito.
Layunin daw kasi ng artists na makapag-isip at mamulat ang mga guests sa social issues at problema ng daigdig habang sila’y nakahiga sa kama.
Ito ang dahilan kung bakit ang isang kuwarto ay nasa tabi ng isang gasoline station para maging aware ang customers sa patuloy na pagtaas ng gasoline sa world market.
Yung isa pang kuwarto sa gitna ng ubasan ay sumisimbolo naman sa climate change.
Kumusta ang rate?
Tumataginting na 325 Swiss francs o katumbas ng mahigit sa PHP18,000 ang cost per night.

Makikita ang ilan pang kuha ng Zero Star Hotel sa Instagram account nitong @nullstern_theonlystarisyou.
Ang "null stern" ay German phrase para sa "zero star."
THOUSANDS ARE IN THE WAITING LIST
At kung akala niyo ay joke-joke lang ito at walang papatos, puwes nagkakamali kayo.
Ayon sa balita, mas lalong tumaas ang room reservation rate nang mapaulat ito.
Sino ang mag-aakalang kahit stressful mode ang peg ng Zero Star Hotel ay lampas 6,500 katao lang naman ang nasa waiting list?
Ang room ay available mula July 1 hanggang September 18, 2022.
Malay niyo, kahit ganito ang room arrangement ng nasabing hotel, ito pala ang kanyang charm.
Iba-iba naman kasi ang trip ng tao.
Maaaring exciting ang dating nito para sa iba kaya ganoon na lang ang demand sa reservation ng hotel na ito.
Kakaiba, di ba?