PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Karpintero niligtas ang toddler sa balcony ng fifth floor

Makapigil-hiningang pagsagip!
Published Jun 22, 2022
toddler balcony
Naipit ang isang bata sa balcony ng apartment na nasa fifth floor kaya walang inaksayang panahon ang isang karpintero na itinali sa ang sarili sa crane para makalapit sa bata.
PHOTO/S: Newsflare.com

Nakunan sa video ang makapigil-hiningang pagsagip ng isang karpintero sa isang paslit na naipit sa balcony ng isang apartment building.

Lumalabas kasi na naipit ang ulo ng bata sa railings at nakalaylay ang katawan nito sa napakataas na fifth floor.

Maririnig ang sigawan ng mga tao nang makitang nasa peligro ang buhay ng bata.

Maya-maya, makikitang papalapit na ang lalaki na nakasabit sa tower crane para maabot ang batang paslit sa ikalimang palapag.

toddler balcony

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang karpintero na nakasabit sa crane at lumalapit sa naipit na bata.

Ang mga eksenang ito ay ay nangyari sa isang apartment building sa Dalian City sa Liaoning Province, Northeast China noong January 16, 2022.

Sa ulat ng www.newsflare.com, agad na kumilos ang mga workers sa kalapit na construction site.

Ang sumaklolo ay ang karpinterong si Li Baoyi na sumabit sa tower crane para makalapit sa batang nakasabit.

Ang ibang workers, umalalay sa pamamagitan ng paghawak ng mga kumot na sasalo sa bata sakaling mahulog ito mula sa fifth floor.

Nang makalapit si Li Baoyi sa bata, makikitang ilang sandali muna siyang nag-struggle.

Kumapit ang karpintero sa railing ng balcony habang ang isa pa niyang kamay ay ginamit para itulak ang bata paakyat sa balcony.

Matapos maiangat ang bata, sakto namang lumabas sa balcony ang ama nito at kinarga ang bata.

toddler balcony

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binuhat agad ang bata nang dumating ang magulang nito matapos iligtas ng karpintero.

Ayon sa ulat ng Newsflare, nang sinasagip ng karpintero ang bata, umakyat naman sa apartment building ang iba pang mga workers at kinatok ang mga kapitbahay, na tinawagan naman ang ama ng bata.

Dali-dali naman daw nagmaneho pauwi ang ama.

Matagumpay na nailigtas ang bata.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naipit ang isang bata sa balcony ng apartment na nasa fifth floor kaya walang inaksayang panahon ang isang karpintero na itinali sa ang sarili sa crane para makalapit sa bata.
PHOTO/S: Newsflare.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results