Ang ating mga pangalan ay musika sa ating pandinig.
Pero paano kung ang pangalan ng isang tao ay mahirap bigkasin?
Ito ang kaso ng mga sanggol na binigyan ng unique names ng kanilang mga magulang.
Recently, ipinost sa Facebook ang ilang screenshots ng hospital records at certificates of live birth ng mga sanggol na ang mga pangalan ay tongue twisters.
Hindi mapigilan ng netizens ang mag-react tungkol sa mga kakaibang pangalan.
Read: A baby is named HTML; his dad and aunts have unique names, too!
Narito ang ilang pangalan na puwedeng ipasok sa pronounce-my-name challenge.
“SZYEREIGNE AEOFIE,” ang name ng isang sanggol mula sa Agusan del Norte.

“STRYGWYR DRYTCH BRYL,” naman ang ibinigay sa isang baby mula sa Davao City.
May ilang netizens na nagkomento namang magi-gets naman daw ito ng mga DOTA players.
Tila nais nilang tumbukin na halaw ito sa characters mula sa tanyag na video game.


Isang baby mula sa Bulacan ang pinangalanan naman ng “YXLL MCQWN”
Narito ang isa pa, “JZHYNT ZYFFY” para naman sa batang mula sa Sarangani.
Isang sanggol naman mula sa North Cotabato ang pinangalanang “GLHYNNYL HYLHYR YZZYGHYL.”


NETIZENS REACT TO THE BABY NAMES
Paalala ng isang netizen sa mga magulang: “Dear parents..Kalmahan lang po natin ang paggawa ng pangalan ng mga anak natin”
Effort daw kasi kapag tatawagin ang mga anak nila pagdating sa recitation kapag nagsimula na silang mag-aral.

Joke naman ng isa pa, maganda raw itong i-set na wi-fi password

Seryosong komento ng isa pa: “I get that you want unique names but what is the use of it if it appears unpronounceable.
“You have to correct them everytime.”
Hirit ng isa pa, kung sa simpleng pangalan daw niya ay hirap na ang iba, paano pa kaya sa mga unique names na ito na nai-post.


Biro ng iba pa, siguradong wala raw hit ang mga pangalang ito sa National Bureau of Investigation (NBI).


Hit ang tawag sa NBI kapag may katukayo sa pagkuha ng NBI clearance.