Natatandaan niyo pa ba ang babaeng naging kidney donor sa kanyang boyfriend, pero pinagtaksilan siya nito seven months after the transplant?
Ang masaklap pa, nakipaghiwalay ang lalaki kay Colleen Le sa pamamagitan lamang ng tawag.
Read: Babae kidney donor ng boyfriend; pinagtaksilan siya 7 months after transplant
Noong kasagsagagan ng pandemya, ibinahagi ni Colleen, 30, ang kanyang kuwento sa TikTok at nag-viral siya ngayong 2022.
Milyun-milyon ang views niya sa TikTok at in-interview ng mga kilalang online at media outlets sa U.S.
Pero kamusta si Colleen ngayon matapos maging viral?
Sa pamamagitan ng direct messaging, nakapalitan ng mensahe ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Colleen.
Si Colleen ay U.S.-based Vietnamese. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang account coordinator sa isang fire alarm company.
Nakarinig pa ba siya muli sa ex-boyfriend at nag-sorry sa kanya matapos mag-viral?
“Nope. I didn’t really expect him to, anyways,” message ni Colleen sa PEP.ph, June 7, 2022.

Si Colleen at ang kanyang ex-boyfriend na pinagbigyan niya ng kanyang kidney.
Ang sabi ni Colleen, hindi niya inasahan na marami ang makaka-relate at pag-uusapan ang kanyang kuwento.
Sabi niya, “I downloaded TikTok in 2020 during COVID & saw many people share their traumatic stories, so I decided to do the same thing, not thinking it was going to go viral or anything.
“I think my greatest gain is that I’ve gotten messages from strangers saying that I gave them hope from sharing my story & that makes me feel really good.”
Maraming netizens daw ang nagparating ng paghanga sa kanya sa pag-donate niya ng kanyang kidney sa ex na matagal nang may chronic liver disease.
Kahit na sa huli ay pinagtaksilan at iniwan lamang siya nito.
Ani Colleen tungkol sa mga mensahe ng netizens, “Mostly, ‘Let’s get your kidney back,’ makes me laugh or something like that.
“And I also get really nice messages like, ‘You have a heart of gold, you did such an amazing thing, etc.’”
Pero hindi kinalimutan ni Colleen ang mahalagang itinuro sa kanya ng heartbreak.
Sabi niya, “I learned from my past relationship that some people will be with you for the wrong reasons & will take advantage of you.”
Pero sa kabila nito, hindi naging bitter si Colleen. Kaya naman nakahanap na siya ng bagong pag-ibig.

Si Colleen Le at ang kanyang current boyfriend.
Aniya, tanggap ng current boyfriend ang kanyang nakaraan, at supportive kay Colleen sa pagiging social media influencer.
Ani Colleen, “My current boyfriend has been amazing so far & showed me unconditional love even after knowing what I did for my ex.
“It was easy for me to trust again because he never gave me reasons to doubt him.
“He’s been really supportive throughout our relationship & continue to support me in sharing my story on TikTok.
“He’s everything I ever wanted.”
