Opisyal nang kinumpirma ng Guinness World Records na ang 17-year-old Nepali citizen na si Dor Bahadur Khapangi ang shortest living male teenager sa buong mundo.
Isinilang si Dor noong November 14, 2004.
Isinagawa ang pagsusukat sa kanya noong March 23, 2022 sa Kathmandu, Nepal.
May average height siya na 73.43 cm o 2 feet 4.9 inches.

Si Nepal Tourism Board CEO Dhananjay Regmi ang nagdala kay Dor ng kanyang Guinness World Records certificate.
“I’m happy that my brother has received a Guinness World Records certificate,” ayon sa kanyang nakatatandang kapatid na si Nara Bahadur Khapangi, na tumayong spokesperson ni Dor sa ginanap na ceremony.
Mahiyain kasi si Dor sa harap ng camera.
Mga magsasaka ang parents ni Dor, at nakatira sila sa Sindhuli district. Kasalukuyang nag-aaral si Dor sa isang eskuwelahan sa kanilang village.
Umaasa si Nara na ang pagkilala kay Dor ng Guinness World Records ay magiging daan na makatanggap ito ng tulong para sa kanyang edukasyon.
Ayon kay Nara, “Dor Bahadur was all fine when he was born. He, however, didn’t grow from the age of seven.
“His peers grew, but Dor Bahadur didn’t. We don’t know why.”