PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ang misteryo ng mga higanteng buto sa Naro Island, Masbate

1,000 years old na ang mga buto.
by Bernie V. Franco
Published May 6, 2022
giant bones in Masbate
Ikinagulat ng mga residente ng Naro Island, Masbate ang mga nahukay na higanteng buto. Naniniwala ang mga residente na mga buto ito ng dinosaurs. Kinumpirma naman ng isang archaeologist na tinatayang 1,000 years old na ang mga butong ito.
PHOTO/S: youTube (motoTM Vanvan)

May buto ng dinosaur sa isla ng Naro sa Masbate?

Ito ang naging haka-haka ng mga residente ng naturang lugar matapos mahukay ni Jerome Asusena ang mga ga-higanteng buto sa lupang malapit sa dalampasigan.

Una ay inakala ni Jerome na malaking kahoy lamang ito.

Pero nang ituloy niya ang paghuhukay, nagulat siya sa mga higanteng buto.

Hindi nagtagal ay pinaligiran at dinumog ng iba pang residente ang mga nahukay at ikinamangha nila ito.

Naitampok ang pagkadiskubre sa higanteng buto sa vlog ni motoTM Vanvan sa YouTube noong April 11, 2022.

Batay na rin sa hugis ng mga buto, tila bandang ulo ito at galudgod ng hayop.

dinosaur bones

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumbinsido rin ang mga residente roon na buto ng dinosaurs umano ang mga nahukay.

THE TRUTH BEHIND THE MYSTERIOUS BONES

Naitampok ang kuwento nito sa GMA Public Affairs show na Dapat Alam Mo! noong April 28, 2022.

Sumangguni sila sa isang eksperto upang malaman ang misteryo sa likod ng mga higanteng buto.

Kumbinsido ang archaeologist na si Dr. Juan Rofes na 1,000 years old na ang mga natagpuang mga buto.

Sumunod niyang pahayag, “No hesitation, I would say those are bones of a whale.”

bones

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base rin sa hugis ng mga buto ay bahagi ng ulo at shoulder ng balyena ang mga natagpuang fossils.

Ipinaliwanag din ng archaeologist kung bakit malabong maging buto ng dinosaurs ang mga nahukay.

“There are no dinosaurs, per se, in the Philippines discovered.

“Because the Philippines is an island that [was] born around 50 million years ago.

“And the dinosaurs got extinct, they disappeared from the face of the earth 65 million years ago,” paglilinaw ng eksperto.

Dahil ang Masbate ay napapalibutan ng dagat, mas malaki ang tsansang matagpuan ang mga buto ng mga marine animals dito.

“There may be… older sea mammals, like seals or sea lions, depending on the species.”

Payo naman ni Rofes, para matukoy kung anong klaseng species ang mga buto ay sumangguni sa mga eskperto, gaya ng National Institute of Geology in the Philippines at National Museum.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinagulat ng mga residente ng Naro Island, Masbate ang mga nahukay na higanteng buto. Naniniwala ang mga residente na mga buto ito ng dinosaurs. Kinumpirma naman ng isang archaeologist na tinatayang 1,000 years old na ang mga butong ito.
PHOTO/S: youTube (motoTM Vanvan)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results