Maraming napabilib at na-inspire sa life story ng overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong na pinamanahan ng kanyang amo ng assets worth PHP25 million.
Siya ay ang Igorot na si Daisy Budca-eng, 55, mula sa Benguet, Mountain Province.
Nasubaybayan ang kanyang kuwento nang itampok ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong October 2021.
Sa edad na 16, nag-asawa siya at nagkaroon ng mga anak.
Para makatulong sa kabuhayan ng pamilya, nagtinda muna siya ng asin sa Benguet.
Taong 1991, nangibang-bansa siya para maging domestic helper.
Hindi siya pinalad sa kanyang unang amo. Minaltrato siya nito.
Nanlumo rin si Daisy nang mabalitaang napabayaan ang kanyang mga anak sa Pilipinas.
Nakalipat siya sa isang amo na senior citizen: ang Portuguese na si Marie Ramchand Ribiero.
Nang pumanaw si Marie, isinama sa last will and testament si Daisy.
Pinamanahan siya ng ari-ariang nagkakahalaga ng PHP25 million.
Ani Daisy, ginamit niya ang perang ito para ipatayo ang Jewel Igorot Building sa Benguet.
May office spaces, transient homes, at gym ang five-story establishment.
Pero kamusta na kaya si Daisy ngayon at ano na ang kanyang pinagkakaabalahan?
DAISY IS NOW A CONTENT CREATOR
Isa na siyang YouTube vlogger na regular ang upload ng content sa kanyang channel na Strong Igorot.
Varied ang kanyang topics: mula sa kanyang mga business (catering and venue styling), mga properties, farms, at ang kanyang hilig sa fitness.
May mga pagkakataong nag-i-interview rin siya ng mga artista.
Na-interview na niya sina JC Alcantara, Dominic Ochoa, at iba pa nang mag-taping sila sa Benguet.

In-interview ni Daisy [far left) ang cast ng upcoming Kapamilya TV series, gaya nina (L-R) Zach Castañeda, CJ Salonga, at JC Alcantara.
Doon kasi ang location ng upcoming project nila para sa isang ABS-CBN TV/streaming series.
Gumagawa rin si Daisy ng parodies o skits, kasama ang kanyang kapamilya o mga mahal sa buhay.
Nailalabas dito ni Daisy ang kanyang creative side at talento sa pag-arte.
May inilabas siyang skit na ikinakasal siya.
Isa pala itong dream sequence ng isang babaeng na-comatose, pero nananaginip na ikinasal sa kanyang pinakamamahal.
Ang lalaking gumanap na leading man ni Daisy ay si Kaykay TV isang vlogger sa Cordillera.


Top photo: Nag-wedding gown si Daisy para sa isang skit. Bottom photo: Si Daisy kasama ang real-life fiancée sa naturang skit.
Itinatampok din niya ang tourist attractions at events sa Baguio, maging ang mayamang kultura ng dalawang lugar.
DAISY ON BASHERS
Pero hindi lahat ay positibo ang reaksiyon sa popularidad na nakuha ni Daisy nang maisapubliko ang kanyang kuwento.
May mga bumabatikos sa kanya at inakusahang “nagyayabang” sa kanyang nakuhang milyun-milyong mana.
Pero diin si Daisy, naniniwala siyang naibahagi ang tunay na mensaheng nais niyang iparating.
“It served its purpose naman. Yung point doon yung salt [vendor] to domestic helper, ito na iyon [may narating],” ani Daisy sa The Sun.
May diretsa rin siyang pahayag sa isa niyang 2021 YouTube video ukol sa bashers.
Ani Daisy, “Normal na iyan. Because since I was a child until those days na aking pakikibaka sa mundong ito na ating ginagalawan, expected at tanggap ko na ang mga taong ganyan sa aking buhay.
“You cannot please everybody in this world. It’s not always rainbows and unicorns. It is not a bed of roses.”
Sa totoo lang daw, ang mga masamang karanasan na ito, gayundin ang magaganda, ang nagpatibay sa kanyang pagkatao.
Mas nais daw niyang pagtuunan ng pansin ang mga taong nakahugot ng inspirasyon mula sa kanyang success story.
“Overwhelming ang saya. And it’s all my happiness that I was able to share my true life story and was able to give hope and encouragement to many,” hayag niya.
Nagiging emosyunal daw siya kapag nakakabasa siya ng mensaheng na-inspire sila sa kanyang kuwento.
Ang nais ibahagi ni Daisy sa mga tao, “Just believe in ourselves, accept ourselves the way we are. Just do our best and the world will recognize us.
“While we are still living in this world, there are some people who still want to put you down, slow you down.
“But if you can move faster with good purpose, just keep on moving forward to make your dreams come true.
“Gawin ang trabaho nang tama at tapat. Just do our best and God will do the rest.”

