PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Unboxing ng PHP30K drone mula sa online shopping, bato pala ang laman

PHP30K ang halaga ng drone.
Published Mar 26, 2022
drone bato online shopping
Sa unboxing ng biniling drone ng isang ginang mula sa Santa Ana, Cagayan nitong Huwebes, March 24, laking gulat niya nang makitang hindi gadget kundi mga bato ang laman ng package.
PHOTO/S: Facebook (Ma. Kristina Li)

Abot-abot ang pagkadismaya ng isang customer na bumili ng drone via online shopping dahil hindi drone kundi bato pala ang laman ng kahon.

Dinig na dinig din sa video ang pagkagulat at pagmumura ng female customer at ng mga taong nakapalibot sa kanya.

Ang customer na taga-Brgy. San Vicente, Santa Ana, Cagayan ay si Ma. Kristina Li, na umorder ng drone sa halagang PHP30,000 via an online shopping platform.

Huwebes, March 24, 2022, dumating ang pinakaaasam na gadget.

Agad napansin ng asawa ni Ma. Kristina na maliit ang kahon, kaya’t napagdesisyunan nilang buksan ito sa harap ng delivery rider.

Sa halos three-minute video, kitang-kita ang kanilang reaksiyon.

Naging viral ito matapos i-repost sa Facebook pages ng media outlets.

Binuksan ng asawa ng customer ang package.

Sa background, maririnig ang delivery rider na pinaalalahanan ang mga customer na i-video nang maigi ang box.

“I-360 mo muna. Ipakita sa camera, Sir, na bawat sides, na walang damage or what,” ang sabi ng rider.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinunod naman ito ng nagbubukas ng kahon.

Nang mabuksan ang package, makikita ang isa pang nakabalot na item sa gitna at nakasaksak sa gilid ang mga boxes ng juice drinks.

drone online shopping

Ang main item ay nakabalot sa bubble wrap at itim na plastic.

Sa pigura pa lang ng item ang mahihinuhang hindi ito drone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maririnig din ang nagbubukas ng item na sa palagay niya ay bato ang nasa loob ng plastic.

Pagkabukas ng plastic, bumulaga sa mga taong nakapaligid ang mga piraso ng bato.

Hindi inakala ng customer na mangyayari ito sa kanya dahil maganda ang review at may mataas na rating ang seller.

Ulat ng ABS-CBN News, ibinalik naman ng rider ang higit PHP30,000 bayad sa customer matapos makita ang laman ng package.

drone online shopping

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa unboxing ng biniling drone ng isang ginang mula sa Santa Ana, Cagayan nitong Huwebes, March 24, laking gulat niya nang makitang hindi gadget kundi mga bato ang laman ng package.
PHOTO/S: Facebook (Ma. Kristina Li)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results