PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Magician” na sumablay gawing pera ang dahon, patay

Pinukpok siya sa ulo hanggang mamatay.
by KC Cordero
Published Mar 18, 2022
The suspects in the killing of Belendro Bermudez.
Hindi inakala ni Belendro Bermudez na ang sablay niyang magic ang magiging sanhi ng kanyang kamatayan. Inaresto ang mga suspek na sina alyas Nognog at alyas Burdig, na nakainuman niya.

Malagim ang sinapit ni Belendro Bermudez, 57, ng Purok Zigzag 1, Brgy. Santa Lucia, Puerto Princesa City, Palawan.

Noong March 15, 2022 ay natagpuan siyang bangkay at nakahandusay sa daan ng residenteng si Armando Blanca Malubay.

Belendro Bermudez's body

Ipinagbigay-alam agad ito ni Armando sa pulisya.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Puerto Princesa City Police Station 2 (PS-2), sinabi ni P/Maj. Noel Manalo, hepe ng PS-2, na noong March 14 ay nakainuman ni Belendro sina Edward Bautista Valdez, alyas Nognog; at Jayson Nicar Riomalos, alyas Burdig.

Habang nag-iinuman, sinabi umano ni Belendro kina Nognog at Burdig na kaya niyang i-magic ang hawak na dahon, at gagawin niyang pera.

Ngunit nang sumablay ang magic, nayabangan sa kanya at nagalit sina Nognog at Burdig.

Pinukpok nila si Belendro ng bote at kahoy sa ulo, na naging dahilan ng pagkamatay nito.

March 16, sumuko si Nognog sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), bago ito ibinigay sa kustodiya ng PS-2.

Si Burdig naman ay inaresto habang nasa PS-2 dahil una na itong nasa kustodiya ng pulisya bilang testigo sana laban kay Nognog.

Ngunit sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, itinuro ni Nognog si Burdig na siyang naunang pumukpok ng bote kay Belendro.

Sinampahan na ng kasong murder ang dalawang suspek.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi inakala ni Belendro Bermudez na ang sablay niyang magic ang magiging sanhi ng kanyang kamatayan. Inaresto ang mga suspek na sina alyas Nognog at alyas Burdig, na nakainuman niya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results