PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sam Cairo: the dancing bear with million views on Tiktok

Isa siyang dancing bear!
by Bernie V. Franco
Published Mar 10, 2022
dancing bear
This is the story of Sam Cairo who lost his job this pandemic and got scammed, but overcame the struggles and put up his own business.
PHOTO/S: PEP.ph

Nang matanggal sa trabaho si Sam Cairo, pinursige niya ang kanyang negosyong gift-delivery service with a twist.

Nagsimula siya sa paghahatid ng mga bulaklak at stuffed toy bouquets para sa mahal sa buhay ng kanyang mga customers.

Pero ngayon, pinasok na rin niya ang pagiging dancing bear mascot!

Ani Sam na taga-Kawit, Cavite, bata pa lamang siya ay nagsimula na siyang magtinda.

“Simula elementary hanggang high school, ako yung tipo ng estudyante na may dalang paninda lagi sa room.

"Parang walking store po,” hayag niya sa interview ng Summit Media.

Naging working student din si Sam, “Pagka-graduate ko ng high school, nag-apply ako bilang working student para po makapag-college.

“First year to second year college, nagtitinda pa rin po ako—tsitsirya, mga pasalubong.”

Natustusan naman ni Sam ang two years niya sa kolehiyo, pero mas bumigat ang kanyang responsibilidad pagtungtong niya ng third year college.

Kuwento ng binata, “Pagsapit ng third year college, lumaki ang pangangailangan—sa tuition, pangangailangan sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dito na po pumasok yung pagiging online seller ko ng mga bulaklak na stuffed toy bouquet.”

Tinawag niya ang kanyang negosyo na Bear For You.

Via online, nakikipag-ugnayan sa kanya ang mga kliyente na nais padalhan ng mga bulaklak at stuffed toy bouquets ang mga mahal sa buhay sa espesyal na okasyon.

Nang makapagtapos sa kolehiyo, nagtrabaho si Sam, pero hindi niya binitawan ang kanyang online selling.

turning disaster into AN opportunity

Sa kasamaang-palad, nitong pandemya ay nawalan siya ng trabaho. Ang mas masaklap: nabiktima siya ng scam.

“Nandito na yung time na naghangad ako ng easy money, kung saan may nag-offer sa akin na kikita daw ako basta mag-invest ako ng pera.

“Papatubuin nila, ‘tapos after two-three months, bigla po silang nawala.

“Yung pera na tinabi ko po na puhunan, nakuha po siya ng mga manloloko, ng scam.”

Bukod pa sa problemang ito, nakaranas ng depresyon ang nakababatang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil marami ang nakaasa sa kanya, tinutukan ni Sam ang kanyang gift-delivery service.

Imbes na maghanap ng trabaho sa isang kumpanya, nagpursige siya para sa sarili niyang business.

Sabi niya, “Kasi kapag nagkatrabaho ka sa isang maayos na company, nandoon na yung opportunity na puwede kang ma-promote.

“Ginive up ko siya. Sabi ko pipiliin ko na lang kung saan ako masaya, kasi mas masaya sa ganito.

“Dun na po yung point na dumating na nagsu-surprise na ako direct.

“Hindi lang po ako ang tagagawa ng bulaklak, ako na mismo ang nag-aabot.

“Ako ang nagsu-surprise, ako ang nagbabasa ng message.”

Paano niya naisipan ang bear mascot?

“Pinasok ko yung mascot, ang purpose niya is for pictorial lang.

“Kasi related po siya sa pangalan ng page ko na Bear for You, para lang po maganda tingnan.”

Para i-promote ang kanyang business, ginamit niya ang TikTok, at habang naka-bear mascot ay sumayaw siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kinagiliwan ng netizens ang kanyang videos at doon na nagsimula ang dancing bear mascot.

dancing bear

(Kung dati ay solo lang siyang sumasayaw, mayroon nang kasama ngayon si Sam Cairo sa kanyang negosyong itinayo sa gitna ng pandemya.)

Sa katunayan, ang ilan sa kanyang patok na TikTok videos ay may views mula 1.4 million hanggang 3.4 million views.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang negosyo, nagsisimula ang services niya mula PHP3,000 at kasama na rito ang mascot, gift, program, at prank.

Doble kayod si Sam dahil umaasa sa kanya ang kanyang pamilya, gayundin ang tatlong riders ng kanyang business, at dalawang kasamahang dancing bears.

“Kapag nakakaramdam ako ng pagod, di ko na lang pinapakita na napapagod ako o kaya nalulungkot.”

Ang Bear for You, para kay Sam ay hindi lamang paghahatid ng regalo kundi pag-ako ng responsibilidad para sa kanyang pamilya.

Panoorin ang video ng kuwento ni Sam:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This is the story of Sam Cairo who lost his job this pandemic and got scammed, but overcame the struggles and put up his own business.
PHOTO/S: PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results