PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marlon Cajucom-Jhasin May Benito love story; mom-in law is bridge

Ito ang love story nina Marlon Cajucom at Jhasin May Benito.
by KC Cordero
Published Feb 10, 2022
Marlon Cajucom proposing to Jhasin May Benito; their wedding photo.
Ang nakakatuwang love story nina Marlon Cajucom at Jhasin May Benito ay nagsimula sa delivery at humantong sa kasal.

Delivery rider si Marlon Cajucom, 34, ng isang online shopping platform.

Siya ay taga-Barangay Calepaan, Asingan, Pangasinan.

Marlon Cajucom

Dalawang taon na siya sa ganitong hanapbuhay nang nakilala niya si Jhasin May Benito, 24, online seller, na residente naman ng Barangay Poblacion.

Nagkakilala ang dalawa dahil naging customer ni Marlon ang ina ni Jhasin May na si Mary Grace Benito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jhasin May Benito

Kuwento ni Marlon sa panayam ng Asingan Public Information Office, October 2020, "One time, nakapag-deliver po ako sa kanila, late na. Nagulat sila.

"Nagtataka sila na late na, nagde-deliver pa ako noong time na yun.

“Natanong ako ni Mama Grace kung may asawa na ako. Sabi ko, wala pa po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong din daw nito kung bakit sobrang sipag ni Marlon ay wala pa namang binubuhay.

Sabi raw ni Marlon sa ina ni Jhasin May, “Kasama po sa pangarap ko yung magpursige sa buhay.”

Ipinakita umano ni Mama Grace sa kanya ang picture ng anak.

Pero hindi niya ito nakita nang personal.

Hindi na rin siya nakapag-deliver dahil sa mahigpit na restrictions.

MAMA GRACE PLAYS CUPID

Nang lumuwag na uli at nakabalik si Marlon sa trabaho, nagulat siya dahil ibang pangalan ang nasa address ni Mama Grace.

Kuwento ng rider, “Sabi ni Mama Grace sa akin, ‘Ano ka ba? Iyan ang matagal ko nang sinasabi sa iyo na anak ko.’”

Para sa anak pala nito ang delivery.

Doon na pormal na nagkakilala sina Marlon at Jhasin May sa pamamagitan ni Mama Grace.

Naging suki rin ni Marlon si Jhasin May sa delivery. At dahil naging crush niya ito, gumawa siya ng diskarte para mapadalas ang pagkikita nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natatawang kuwento ni Marlon, “Nakilala ko naman. Para lang masilip ko si Jhasin, kung andun ba siya.”

Kalaunan, niligawan na niya ito.

SOBRANG EFFORT SA PANLILIGAW

Ayon naman kay Jhasin May, iba si Marlon kumpara sa iba pa niyang manliligaw.

Pagbabahagi niya, "Mararamdaman mo talaga yung care niya. 'Tapos talagang pursigido po siya.

“Sobrang effort po siya noong nanliligaw sa akin. Kahit sobrang busy siya, nagde-deliver pa rin ng flower sa bahay. Ramdam mo talaga yung love.”

Hindi naman inaasahan ni Marlon na papansinsin at magugustuhan siya ni Jhasin May.

Aniya, “Actually yun po talaga ang nasa isip ko, na hindi ako papansinin nito kasi maganda.

“Pero napakabait niya, madaling lapitan, madaling kausapin nung nakailang beses na akong nagde-deliver doon.”

Wedding photo of Marlon Cajucom and Jhasin May Benito

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ang ilang buwan na ligawan at pagiging magkasintahan, ikinasal sa kanilang munisipyo sina Marlon at Jhasin May noong January 26, 2021.

Dahil pandemic, wala halos silang naimbita na kapamilya, kaibigan at mga katrabaho.

Ayon kay Marlon ay magkakaroon pa rin sila ni Jhasin May ng church wedding kapag maluwag na ang mga restrictions.

May isa na silang baby ngayon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang nakakatuwang love story nina Marlon Cajucom at Jhasin May Benito ay nagsimula sa delivery at humantong sa kasal.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results