PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruben Unabia, a fisherman in Ilocos Sur, loses right arm to shark?

"Hindi ko inasahan na may pating."
Published Jan 27, 2022
shark ilocos sur
Fisherman Ruben Unabia of Magsingal, Ilocos Sur, recounts netting a big fish, losing his consciousness after being bitten by it, and waking up bloodied and his right arm gone.
PHOTO/S: Balitang Amianan (Mary Jane Unabia)

Naputulan ng kanang kamay ang isang mangingisda sa Magsingal, Ilocos Sur, dahil umano sa isang pating o shark.

Ito rin ang paniniwala ng mga kasamahang mangingisda ng bikitmang si Ruben Unabia.

Natagpuan siyang duguan at walang malay sa kanyang bangka, ulat ng Balitang Amianan GMA Regional TV, noong January 24, 2022.

Dali-daling dinala sa ospital si Ruben ng kanyang mga kasama, pero wala na ang kanyang kanang kamay.

Lahad ni Ruben, nakabingwit siya ng malaking isda at nang kukunin na niya ang nabingwit, bigla siyang kinagat ng isang malaking pating.

“Hindi ko inasahan na may pating. Kinukuha ko na yung nahuli kong blue marlin nang biglang sinakmal ng pating ang kamay ko,” aniya sa ulat ni Ivy Hernando.

Inilarawan niya ang pating na maitim at kasing-laki ng kanyang bangka.

Nawalan siya ng malay dahil sa maraming dugong nawala.

shark ilocos sur

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman ikinagulat ng mga mangingisda sa lugar na mayroong pating.

Paliwanag nila, kapag gumagamit sila ng payaw o rama sa dagat na kinakabitan ng floater at mga dahon para puntahan ng isda, malaki raw ang posibilidad na may pating na nakaabang.

Kamakailan lamang, nakunan sa video ang nahuling pating ng mga residente ng Santiago, Ilocos Sur.

Sa video, makikita na hinila ang pating papunta sa pampang ng dagat at pinaghahampas ito ng mga lalaki hanggang mamatay.

Kinatay pa ang pating at pinamigay para kainin.

shark ilocos sur

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma ito ni Oscar Agbulos, chairman ng Sabangan, Santiago, Ilocos Sur.

Aniya, “Pinamigay nila yung karne ng pating. Marami ang nakakain nun.

“Hindi ko mamukhaan yung mga kalalakihan kasi sa harap yun ng resto bars nangyari at kumpulan ang mga tao.”

Nakarating naman sa mga awtoridad ng Ilocos Sur, gaya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pagkain ng pating.

Iniimbestigahan na nila ang pangyayari, at kung makukumpirmang banned o endangered species ang uri ng pating, mapaparusahan ang mga involved na tao sa pagpatay sa marine animal.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fisherman Ruben Unabia of Magsingal, Ilocos Sur, recounts netting a big fish, losing his consciousness after being bitten by it, and waking up bloodied and his right arm gone.
PHOTO/S: Balitang Amianan (Mary Jane Unabia)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results