Paano kung sa mismong araw ng iyong kasal ay PHP1.6 milyon agad ang matanggap mo bilang regalo?
Ito ang nangyari sa bagong kasal na sina Rubz at Collins, na nag-post ng larawan kung saan hindi mabilang na money gift ang natanggap nila sa kanilang pag-iisang dibdib.
Sa unang nasulat, PHP1.6 milyon umano ang ipinagkaloob ng isang lola sa ikinasal niyang apo sa Infanta, Quezon.
Pero kinorek ni Maria Alinette Suaverdez, pinsan ng bride na si Rubz, sa kanyang post ang balita tungkol sa amount.
Noong October 21, 2021, heto ang Facebook caption ni Alinette (published as is): “1M lang po Yung 600K ay gala Mga balita talaga minsan.. Exagge
“Anyways, sabi ko nga.. Let's spread LOVE not HATE”
Ang PHP600,000 naman ay galing sa “gala” o ang bigay mula sa mga bisita at mga kamag-anak.

Ang mga larawan sa kasal ay ipinost noong Miyerkules, October 20.
Sa higit isang minutong video na ipinost ni Alinette, makikita na ipinasok ang isang itim na maleta sa reception.
Pagbukas nito ay lumantad ang hindi mabilang na tig-iisang libong piso na pinagdikit-dikit sa loob ng plastic.
Regalo ito ni Lola Adelina sa kanyang apong babaeng ikinasal.
Hindi magkamayaw ang lahat sa pagvi-video sa eksena, maging ang host ay nagulat sa PHP1 milyong regalo para sa newlyweds.
netizens react
Samantala, may mga sagot din si Alinette sa mga reaksiyon ng netizen sa comments section ng kanyang nag-viral na posts.
At press time, ang video na ipinost niya ay may 52,000 shares, 6,600 comments, at 23,000 reactions.
May mga netizens na nag-comment na tila hindi umano masaya ang bride sa pictures, kaya ipinagtanggol ni Alinette ang bride.
Maari daw na hindi nakangiti dahil sa sobrang pagod nito. Madaling araw pa lang daw kasi ay gising na ang bride para makapagpaayos para sa photo shoot at iba pang activities.
Sinabi rin ni Alinette na hindi na bago ang makatanggap ng malaking halaga mula sa kanyang Lola Deling. Ganito raw magregalo ang matanda sa mga kapatid ng bride nang ikasal ang mga ito.
Ani Alinette tungkol sa pinsang bride: “She's really grateful for everything that our Lola Deling gave them for their wedding, it just so happens that IT'S NOT NEW TO HER, since Lola gave the same amount of money before, on the weddings of her siblings..
“So it's not a surprise to her at all.”
Dagdag pa ni Alinette, ang mga pahayag niya ay hindi pagyayabang kundi pagsasabi ng totoo.
“Bonus” na lamang daw ang regalong pera ng kanilang lola dahil pinamanahan na niya ang kanyang mga apo ng mga bahay at negosyo.
Positive vibes lang daw ang post ni Alinette at maging masaya na lang para sa bagong kasal.

Kung tutuusin ay ayaw raw sana ng bride na mangyari ito dahil baka ma-misinterpret ito ng mga tao.
Subalit kaligayahan raw ito ng kanilang lola kaya’t hinayaan na lamang nila.

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
