PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy dad builds a cozy tiny house using space for old water tank

Nagka-"tree house" ang mga kids!
by KC Cordero
Published Oct 22, 2021
Gamit ang espasyo para sa water tank ay nakapagtayo si Ronald “Tonton” Tan ng 5.4 square meters na fully functional tiny house na nagsisilbi ring tree house ng kanyang mga kids sa Baguio City.

Nakapagtayo ng cozy tiny house ang isang dad at real-estate owner na si Ronald “Tonton” Tan gamit ang espasyo para sa lumang water tank at bodega.

Tinawag niya itong Tank House, na nakatayo sa City Camp Proper, Baguio City.

Ibinahagi niya kung paano niya nagawa ang kanyang proyekto sa Summit OG exclusive interview.

Kuwento ni Tonton, “Yung Tank House talaga is a story to tell.

“Yung wife ko, kinukulit ako na na yung water tank nila na luma at sira, ipa-repair ko. At saka yung area nila doon, walang parking, may tambakan.”

Old water tank

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naisipan niyang i-maximize ang nasabing area. “Yung tambakan o bodega at tank, i-combine ko. So, sabi ko, kung gagawin ko rin lang yun, at meron akong gustong gawing maganda for the family, why not build a concept na very productive?”

Magagamit din umano niya iyon para kumita. “I can also use this as a tourist attraction dito sa Baguio City.

“Puwede naming i-lease for the experience of the people na makatira even once in their lives sa smallest, complete, and livable house.”

MODERN TREEHOUSE

Isa rin sa reason kung bakit niya binuo ang Tank House ay ang kanyang mga anak.

Noon pa niya pangarap na makagawa ng treehouse for them.

Concept of a tiny house, modern treehouse

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dahil nga sa pandemic na ito, nalungkot ako for my kids. Yung mga bata, even kami hindi kami makalabas, hindi maka-explore. So, nalilimit yung happiness and lifestyle ng family.”

Aniya, “Walang masyadong tree dito sa area. So why not use the tank house as the treehouse? Kaya siya naging tank house.”

FUNCTIONAL, TYPICAL STANDARD HOUSE

Sa video ng Summit OG ay ipinakita ni Tonton kung paanong sa sukat na 5.4 square meters ay kayang nakapagpatayo siya ng functional, typical standard house.

Fully functional tiny house

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang two-story tiny house ay kumpleto—may kitchen, dining area, toilet and bath, bedroom, at maging receiving area.

Tiniyak din ni Tonton na bawat bahagi nito ay functional.

Ang ibaba ng Tank House ay doll house ng kanyang mga anak.

“Dito sa taas, sa loft area of the house, pwedeng maglagay dito ng dalawang beds.”

May sapat na storage din para sa mga damit at iba pang essentials. “Yung mga sofa namin, nabubuksan. Sa ilalim ng kitchen, it's a cabinet.”

MAGKANO ANG BUDGET PARA SA TINY HOUSE?

Kung nagpaplano kayong magtayo ng sarili ninyong tiny house, sinabi ni Tonton na aabutin ang gastos nang mula PHP60,000 hanggang PHP80,000.

“Nandiyan na yung pader, finished na siya, puwede na siyang tulugan,” paliwanag niya.

Sa nasabing budget, kasama na rin ang para sa kama at iba pang essential items.

Paglilinaw naman niya, “Pero yung finishing niya, yung mga important parts, yung mga lightings hindi pa kasama doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“For the construction of this tank house, ang nagastos ko is around Php200,000.”

Kasama na aniya roon ang para sa electrical outlets, lighting, malalaking bintana, ang kanilang “cozy nook” kung saan sila nagre-relax na buong pamilya—at ilang furniture na ginagamit din nila bilang storage.

Umaasa si Tonton na ang kanyang Tank House ay magiging inspirasyon para sa iba na gustong magkaroon ng sariling space.

“Not just for the family and the kids na para sumaya, but also to give inspiration sa mga nagtitipid ngayong pandemic.”

Para makita ang kabuuan ng Tank House ni Tonton, panoorin ang video ng exclusive interview sa kanya ng Summit OG:

This Pinoy dad transformed an old water tank into a cozy ‘tank house’.
Video: Summit OG.

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gamit ang espasyo para sa water tank ay nakapagtayo si Ronald “Tonton” Tan ng 5.4 square meters na fully functional tiny house na nagsisilbi ring tree house ng kanyang mga kids sa Baguio City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results