PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

10-year-old kid na nanlibre ng buko juice, umani ng monetary gifts

Nagkaroon pa ng instant BFF.
by KC Cordero
Published Aug 26, 2021
Cute ang naging simula ng friendship nina Clark Lynden Canlas, 22, at John Angel Morales, 10, nang manlibre ang huli ng buko juice. TikTok photo

Good deeds are justifiably rewarded.

At sa paggawa rin ng good deeds, minsan ay may nabubuong friendship.

Ganito ang nangyari sa pagitan ng biker na si Clark Lynden Canlas, 22, at ni John Angel Morales, 10.

Nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa noong August 21, 2021, sa plaza ng Magalang, Pampanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa post ni Clark sa kanyang TikTok account, habang nagpapahinga siya sa pagba-bike ay lumapit sa kanya si Angel.

Hindi sila magkakilala.

Tanong sa kanya ni Angel, “Nagbuko ka na?”

Sagot niya, “Wala akong pera, e.”

Ipinakita ng bata sa kanya ang pera nito. “Heto, o...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biro niya rito, “Ililibre mo ako?”

“Oo...” ani Angel.

“Tara, saan tayo?” pagpayag naman ni Clark.

Sa video ay sumunod si Clark sa paglalakad ni Angel at humantong sila sa puwesto ng isang buko vendor.

Maririnig sa video na umorder ang bata ng buko juice. Sabi pa nito, “Tig-isa kami.”

Habang umiinom sila ng buko juice ay may paliwanag si Clark sa makapapanood ng video.

Aniya, “May pera naman ako, pero inilibre niya ako.”

Makikita rin na binigyan niya ng pera si Angel. “Kunin mo ang pera. Sa iyo na iyan.”

Masaya namang tinanggap iyon ng bata.

“Uy!” excited na bulalas nito.

“Konti lang iyan, pero thank you, ha?” pasasalamat ni Clark kay Angel. “Thank you sa buko.”

MILK TEA NAMAN SA SUSUNOD

Ayon sa kuwento ni Angel, madalas siyang ume-extra sa mga tindahan para maghugas ng pinggan at maglampaso sa mga kainan para kumita.

Makikita sa isang bahagi ng video na sinabi ni Angel kay Clark na minsan ay mag-milk tea rin sila. Marami raw itong alam na puwesto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ako ang magbabayad,” ayon sa bagets. “Ililibre kita.”

Ang sagot ni Clark, “Gusto ko iyan. O, kita ulit tayo bukas, ha?”

Masayang inilahad ni Clark ang kanyang naging obserbasyon sa bagong kaibigan. “Ang kulit no’ng bata, e.

“Ambait. Ang pangalan daw niya ay Angel.”

Nai-post ni Clark sa kanyang TikTok account na “xlarklynden” ang video nila ni Angel na may 546.5K likes at 16K comments na.

Kinagigiliwan ito ngayon ng netizens.

HINDI PA ULIT NAGKITA, PERO MAY GOOD NEWS

Sa kanyang kasunod na post sa TikTok ay malungkot na sinabi ni Clark na hindi niya napuntahan si Angel kinabukasan dahil may online class siya.

Masaya naman niyang ibinahagi na ilang TV stations ang magpi-feature sa kanilang video, at sana ay mapanood ni Angel.

Dahil maraming natuwa sa kanilang bagong nabuong friendship ay maraming nagbigay ng pera sa bagets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagtitiyak ni Clark sa mga nagpaabot ng tulong kay Angel, “Maraming salamat po sa mga nagbigay ng monetary gifts. Lahat po iyon ay mapupunta sa kanya.”

Inulit ni Clark para sa kanyang followers at makapapanood ng kanyang video ang naging obserbasyon niya sa bagong BFF. “Napakabait po ni Angel. Napakaganda ng values niya.

“Hindi natin alam yung totoong kuwento niya, pero sana ay malaman ko, malaman niyo rin sa mga susunod pa.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cute ang naging simula ng friendship nina Clark Lynden Canlas, 22, at John Angel Morales, 10, nang manlibre ang huli ng buko juice. TikTok photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results