PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ang papel ng Malaysia sa tagumpay ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics

Nagtrain siya sa Melaka, at kinupkop ng isang Malaysian trainer.
by Bernie V. Franco
Published Jul 28, 2021
Hidilyn Diaz and her Malaysian trainer, Ahmad Janius Abdullah, who taught her how to "snatch" a win at the Tokyo 2020 Olympics.
PHOTO/S: @hidilyndiaz on Instagram / Facebook (BERNAMA)

Isang Malaysian weightlifting official ang nakasaksi sa training ni Hidilyn Diaz, at ibinunyag nito ang sikreto sa tagumpay ng 30 anyos na Pinay weightlifter.

Gumawa ng kasaysayan si Hidilyn bilang kauna-unahang Pinoy na nakasungkit ng gintong medalya sa Olympics.

Noong July 26, 2021, nagbunyi ang buong Pilipinas nang matalo niya ang kinatawan ng China na si Liao Qiuyun sa women's 55kgs weightlifting division ng Tokyo 2020 Olympics.

Pero alam niyo ba na may papel ang Malaysia sa pagkapanalo ni Hidilyn?

Bago kasi lumipad papuntang Tokyo ang atleta, sa Malaysia muna siya nag-train sa loob ng mahigit isang taon.

Tumira si Hidilyn, kasama ang dalawa pa niyang trainer mula sa Pilipinas, sa Kampung Kesang Tua, isang lugar sa siyudad ng Melaka (dating Malacca).

Sa ulat ng Malay Mail, kinupkop sila ni Ahmad Janius Abdullah, 50, ang deputy president ng Malaysian Weightlifting Federation.

Pagbabahagi ni Ahmad Janius, nasaksihan niya kay Hidi—tawag niya kay Hidilyn— ang matinding determinasyon at focus para maiuwi ang gintong medalya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginawan si Hidilyn na isang makeshift gym sa bahay ni Ahmad Janius.

(Top: Hidilyn regularly gave glimpses of her training through videos on Instagram Bottom: Ahmad Janius Abdullah showing the part of his house where Hidilyn trained for several months)

HIDILYN AS AN ATHLETE

Kabilang si Ahmad Janius sa mga naghatid kay Hidilyn nang tumulak ang kanyang grupo sa Tokyo noong July 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ng Malaysian trainer, napakapulido ni Hidilyn sa detalye sa tuwing nag-eensayo.

Aniya, “Hidi is very fastidious and will ensure that every training equipment and the facility is in proper condition and arranged accordingly, including the smallest details."

Wala rin itong mintis sa kanyang daily training: mula 10:00 a.m, hanggang 1:00 p.m. at 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.

Nang makapanayam si Ahmad Janius ng mga Malaysian local reporters, inilarawan niya si Hidilyn bilang “highly disciplined athlete," at maging sa diet, maingat daw niyang sinusukat ang bawat portion ng kanyang pagkain.

Sa tagal ng pamamalagi ni Hidilyn sa Melaka, itinuring na raw ni Ahmad Janius na parang tunay na anak si Hidilyn.

“My relationship with Hidi is like that of a father and daughter. Although she calls me ‘sir,’ I always ensure that all her needs in the house are sufficient.”

"SNATCH" FOR THE WIN

Habang nag-eensayo, ang madalas na pinapansin ng Malaysian trainer kay Hidilyn ay ang kanyang “snatch” dahil ito ang kahinaan ng Pinay weightlifter.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang “snatch” ay ang full-body movement na tumutukoy sa mabilis na pag-angat ng mabigat na bagay.

“I’m glad she took it seriously and performed excellently to bag the gold."

Binanggit din ni Ahmad Janius na hindi raw nakalimot si Hidilyn dahil tumawag ito sa kanila para magpasalamat matapos makopo ang gintong medalya sa Olympics.

Balak ring bumisita ni Hidilyn sa Melaka.

Pagbabahagi pa ng Malaysian national, paborito ni Hidilyn ang Malaysian dish na Asam Pedas Melaka, isang spicy fish dish na nilagyan ng sabaw ng sampaloc.

Paborito rin daw ni Hidilyn ang durian.

HIDILYN IN MALAYSIA DURING PANDEMIC

Samantala, ayon sa ulat ng Manila Bulletin, ginawang training base ng grupo ni Hidilyn ang Kuala Lumpur simula February 2020.

Pero inabutan sila ng pandemya at naging hamon ang paghahanap ng gym.

Sa lugar kung saan sila nag-stay, kailangang maging maingat siya sa pag-eensayo para hindi mabasag ang tile floors.

August 2020 nang padalhan siya ng business tycoon na si Manny Pangilinan ng PHP1.5 million bilang "SOS" money.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsapit ng October 2020, lumipat sina Hidilyn sa tirahan ng pamilya ni Ahmad Janius na mahigit dalawang oras ang layo sa Kuala Lumpur kung bibiyahe by land.

Noong simula, sa isang gym malapit sa tinutuluyan nag-ensayo si Hidilyn.

Pero noong humigpit ang quarantine sa Melaka, naging training area ng Pinay champion ang garahe ng bahay ni Ahmad Janius.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hidilyn Diaz and her Malaysian trainer, Ahmad Janius Abdullah, who taught her how to "snatch" a win at the Tokyo 2020 Olympics.
PHOTO/S: @hidilyndiaz on Instagram / Facebook (BERNAMA)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results