PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

With six months to live, dad builds safe haven for autistic son

His final wish and final mission.
by Bernie V. Franco
Published Sep 9, 2026
Jeon Gyeong-cheol  and son
A FATHER’S LOVE. Jeon Gyeong-cheol (right) with his son, who has severe autism. The photo appears on the cover of Jeon’s autobiography, Annyeong, Peter Pan, which chronicles his experience of raising his son single-handedly.

Love conquers all, even in the afterlife.

Akma ito sa real-life story ni Jeon Gyeong-cheol, na pumanaw noong September 5, 2026, Sabado. Siya ay 64 anyos.

April 2025, na-diagnose si Jeon na may liver cancer. Binigyan siya ng taning na anim na buwan, ulat ng The Korea Herald.

At ginugol niya ang natitirang panahon sa kanyang buhay para makalikom ng pondo at makapagpatayo ng foundation na mag-aaruga sa anak niyang may severe autism spectrum.

Lumipas ang taning at dumaan ang halos isang taon, buhay pa rin si Jeon. Maituturing itong himala.

Aniya sa isang interview, ang anak niyang 27-anyos na may pag-iisip ng two o three years old ang rason kaya gusto niyang mas humaba pa sana ang kanyang buhay.

Ang nakakaantig na kuwentong ito ay kumurot sa puso ng marami niyang kababayan, na nagbayanihan para matupad ang last wish ni Jeon.

Jeon Gyeong-cheolAfter being diagnosed with liver cancer and given six months to live, father Jeon Gyeong-cheol searched for a facility that could care for his autistic son. Unable to find a suitable one, he established his own foundation for adults with autism.
Photo/s: MBC
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pinay tourist slams "bullying" of older Pinoys in Switzerland

JEON TAKES ACTION TO SECURE HIS SON'S FUTURE

Matapos malaman ang kanyang medical diagnosis, nilibot ni Jeon ang buong South Korea para maghanap ng care facility na puwedeng mag-alaga sa kanyang anak kapag wala na siya.

Sa 1,000 care facilities na natagpuan niya, iilan lamang ang nagpakita ng interes.

Nagdesisyon si Jeon na ilahad ang kanyang naging karanasan sa Brunch, isang sikat na digital platform para sa long-form writing.

Naging outlet ito ni Jeon na dating head ng isang information technology company.

Dito niya isinulat ang mga hamong kinaharap, lalo na ang kanyang takot na maiwang mag-isa sa buhay ang anak.

Sa loob ng higit dalawang dekada, mag-isa niyang inaruga at pinalaki ang kanyang anak.

Naikuwento niya rin dito na siya ang nag-alaga sa inang may dementia.

Di nagtagal, ang life story ni Jeon ay napansin ng dalawang South Korean programs na nagtatampok ng real-life stories—ang True Story Expedition at You Quiz on the Block.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod pa rito, ang mga paglalahad ni Jeon sa Brunch ay ginawa niyang libro na may titulong Annyeong, Peter Pan, na na-publish noong June 2026.

Malinaw na ang turing ni Jeon sa kanyang anak ay Peter Pan, ang fictional book character na hindi tumatanda.

Dahil dito, nakilala si Jeon sa tawag na "Peter Pan Dad."

Ang itinatayong foundation ni Jeon ay tinawag niyang Peter Pan Foundation.

Ayon sa The Korea Herald, bumuhos ang donasyon na umabot sa 80 million won o katumbas ay PHP3.7 million.

Read: Jojo Bragais made shoes for Britney Spears, Tyra Banks, Thalia; why turn down U.S. opportunity?

JEON’S DEATH AND LEGACY

Ang pagpanaw ni Jeon ay inanunsiyo ni Jeong Yu-jin, head ng Developmental Disabilities Support Expert Forum, noong Linggo, September 6.

Ayon sa mga ulat, ibinalita ni Jeon noong Agosto ang launch ng preparatory committee para sa itatayong foundation.

Inaasahan namang itutuloy ng committee ang nasimulan niyang misyon hanggang sa maisakatuparan ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong lumabas si Jeon sa isang TV show, hiningan siya ng mensahe para sa kanyang anak.

Ani Jeon: “It wouldn’t be honest to say I want him to forget all about his dad and live only for his own happiness.

"I want to remain a man he vaguely remembers. A man who, for reasons he couldn’t understand, suddenly grew old but was warm and kind.

"Someone he can’t quite place, but finds himself missing whenever he comes to mind.”

Other sources:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A FATHER’S LOVE. Jeon Gyeong-cheol (right) with his son, who has severe autism. The photo appears on the cover of Jeon’s autobiography, Annyeong, Peter Pan, which chronicles his experience of raising his son single-handedly.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results