Trigger warning: Mentions of suicide, cyberbullying
Nauwi sa trahedya ang pagiging fan ng isang 26-anyos na Japanese supporter ng K-pop boy group na ENHYPEN.
Ito ay matapos umano siyang makaranas ng matinding pambabatikos online na naging mitsa para wakasan niya ang sariling buhay.
Sa ulat ng Yonhap News nitong Huwebes, August 6, 2026, nakatanggap umano ang South Korean police ng tawag noong umaga ng August 5 tungkol sa isang babae na natagpuang patay sa tinutuluyan nitong bahay sa Hangangno-dong, Seoul.
Bagamat hindi pa isinasapubliko ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng nasawi, usap-usapan online na ang nasabing babae ay avid Japanese supporter ng ENHYPEN member na si Ni-Ki.
Pinangalanan siya at inilabas din ang kanyang mga larawan ng ilang news outlets sa iba't ibang panig ng mundo.
Read: Heeseung leaves ENHYPEN to pursue solo career
Kumakalat din online ang umano'y video ng kanyang TikTok livestream bago ang pagpanaw nito.
Sa mga viral video clip, makikita ang pagiging emosyonal ng dalaga habang isa-isang binabasa at sinasagot ang mga komento ng kanyang viewers.
Bagamat hindi lubusang nauunawaan ng ilang nakapanood ang kanyang mga sinasabi dahil nasa wikang Japanese ang kanyang livestream, sinasabing ipinagtatanggol niya ang sarili laban sa mga bumabatikos sa kanya.
Kinilala siya na isang aktibong fan, na nakabuo ng libu-libong followers sa social media.
Natukoy na ang kadalasang content niya ay ang pagdalo sa ENHYPEN concerts at fan-signing events.
Read: Sassa Gurl apologizes over "Kapuso walang plastikan" joke
NETIZENS' REACTION
Pressure at sobrang bashing ang hinihinala ng netizens na dahilan ng pagkitil ng fan sa sariling buhay.
Dahil sa insidente, lumikha ito ng iba-ibang reaksiyon mula sa K-pop fans.
Nagbukas ito ng diskusyon tungkol sa epekto ng cyberbullying, online harassment, at toxic behavior.
May mga nanawagan ng empathy at responsableng online behavior bilang respeto sa pumanaw na fan.
Ongoing pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente kaya hindi pa nabibigyang-linaw ang sanhi ng trahedya.
Read: Suicide rate in South Korea raises mental health concerns
STATEMENT FROM A REPORTED FRIEND
Samantala, isang nagpakilalang model at cheerleder ang naglabas ng pahayag tungkol sa pumanaw na Japanese fan, base sa ulat ng Koreaboo.
Tinawag niyang "unnie" o "older sister" ang pumanaw na fan.
Inilarawan niya ito bilang "kind and warm" sa lahat ng mga nakakasalumuha nito.
Liban sa kumpirmasyong pumanaw ang kaibigan, wala raw siyang alam na detalye sa pagkamatay nito.
Naiintindihan daw niya ang pag-aalala ng ibang netizens, pero sabi rin niya: "Even if I learn more in the future, I do not plan to share any further information or updates regarding my sister through this account."
Pakiusap din nito: "I kindly ask that you keep my sister in your thoughts and prayers, and please refrain from further speculation or inquiries.
"May she rest in peace."
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag ang ENHYPEN tungkol sa pagpanaw ng isa sa mga masugid nitong tagasuporta.
Read: Enhypen fans call out NAIA staff over "unprofessional" security check
To those who are seeking either someone to talk to or professional help because of mental health issues, you may call National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 and mobile number 0966-351-4518.
