Lumalabas na milyun-milyong piso ang kailangan ng isang kandidata kung gusto nitong manalo sa Miss Grand International All-Stars (MGI All Stars), na pinasimulan ni Miss Grand International owner and founder Nawat Itsaragrisil.
Ang MGI All Stars ay pageant para sa mga kababaihan at trans women na nanalo na sa iba't bang international beauty pageants.
Ang MGI All-Stars First Edition winner ay si Vanessa Pulgarin ng Colombia, first runner-up si Faith Maria Porter ng Ghana, at second runner-up si Huong Giang ng Vietnam.
Read: MGI All Stars First Edition winner is Colombia's Vanessa Pulgarin
NAWAT RESHARES POSTS ABOUT Huong Giang'S EXPENSES
Sa Instagram Story ni Nawat ngayong Martes, June 2, 2026, ibinahagi niya ang post mula sa isang pageant site.
Ipinakita rito ang breakdown ng mga nagastos umano ni Huong Giang sa entire journey nito sa MGI All Stars.
Base sa post, milyun-milyong piso ang ginastos ng kandidata at ng kanyang Vietnamese fans sa pagboto sa kanya.
Mula sa First Round, Preliminary Round, Evening Gown, Runway, hanggang sa Finale Night ay nagbuhos umano ng pera ang Vietnam.
Nakabase raw ito sa total votes na multiplied by PHP69 pesos per vote.
Hindi malinaw kung paano ang computation nito ngunit ni-reshare pa rin ito ni Nawat.
Umabot umano sa PHP12,065,064 ang kabuuang halagang nagastos ni Huong Giang at kanyang mga tagahanga.

Hindi pa raw kasama rito ang ginastos ng Vietnamese beauty queen sa eroplano, licensing fee, glam team, social media persons, mga damit at outfit sa kumpetisyon, suweldo ng kanyang mga kasama, pagkain, at hotel accomodations nila.
Ang tantiya ng ilang pageant sites, posibleng umabot ito ng PHP20 million.
Pero sa kabila nito ay hindi pa rin niya naiuwi ang korona.
Ayons sa post ng Bekis of Pageantry Facebook goup: "MISS Huong Giang Nguyen and the Vietnamese people spent a HUGE 12 MILLION pesos for votes but still did NOT get the crown!
"and this massive amount DOES NOT EVEN INCLUDE the votes for Runway Challenge, World Choice Award, and Portrait Challenge, the entrance fee to join, the gifts for all 56 contestants, GOWN, PASABOG IN PRELIM, OUTFIT FOR ALL JOURNEY, IT PROBABLY AROUND 20M?"

Maliban pa rito ang mga regalo ni Huong Giang sa lahat ng kandidata na ibinibigay niya tuwing may rehearsals sila.
Sa isang live ni Imelda Schweighart, isa sa mga kandidata ng Pilipinas sa MGI All Stars, binigyan sila ni Huong Giang ng bag at sinundan pa ito ng mga underwear.
Ayon naman sa isa pang pageant site: "GRABE! P12 MILLION FOR 2ND RUNNER UP?
"Let that sink in.
"An estimated P12,065,064 was spent in voting, yet the final result was 2ND RUNNER UP.
"In today’s pageant world, is the crown won by performance, popularity, or purchasing power?
"Was it worth it, or has pageant voting gone too far?
"#MGIAllStars2026 #MGIAllStars #MissGrandInternational"
Biro naman ng isang pageant site: "Nawat posts the (approximate) price paid by Miss Vietnam. What a clear message to future participants! Hahaha"
Lima ang kandidata ng Pilipinas sa MGI All-Stars First Edition: sina Imelda, Gazini Ganados, Fuschia Anne Ravena, Alexia Nuñez, at Keylyn Trajano.
Umabot hanggang sa Top 5 si Gazini, at semifinalist si Fuschia.
Read: Gazini Ganados makes it to Miss Grand International All Stars Top 5
Nauna nang sinabi nina Gazini at Imelda na maghanda ng pera ang isang kandidata kung nais nitong makaabante sa MGI All Stars.
Read: Gazini, Imelda speak out on MGI All Stars expenses
