May panibagong celebrity couple sa South Korea.
Kumpirmadong in a relationship na ang comedienne na si Ji Ye Eun at ang dancer-choreographer na si Vata.
Ito ay ayon sa ulat ng online news site na Xportsnews ngayong Lunes, April 13, 2026.
Kinumpirma naman ito ng kinabibilangang talent agency ni Ji Ye Eun, ang CPN Entertainment, sa pamamagitan ng isang official statement.
Nakasaad dito (as translated in English by Soompi): “The two, who have been colleagues, are seeing each other with positive feelings. We ask that you support them with warmth.”
Ayon pa sa ulat, bago sila ma-develop sa isa't ay matagal nang church friends sina Ji Ye Eun at Vata, na parehong ipinanganak noong 1994.
Si Vata rin ang nag-choreograph ng "Milkshake," ang kantang ini-release ni Ji Ye Eun kasama ang co-star nito sa Running Man na si Ji Suk Jin para sa kanilang co-ed group na Chungju Ji Ssi.
Read: BINI overwhelmed after Coachella debut: “Hindi kami makapaniwala…”
THE COMEDIENNE MEETS THE CHOREOGRAPHER
Nagsimula si Ji Ye Eun sa entertainment industry sa pamamagitan ng web drama na How To noong 2017.
Nakilala siya nang husto nang maging cast member siya ng gag show na SNL Korea.
Sa kasalukuyan ay napapanood siya sa sikat na variety show na Running Man.
Si Vata naman ang leader ng dance crew na We Dem Boyz, na naging runner-up sa reality competition show na Street Man Fighter noong 2022.
Kabilang sa mga sikat na choreography ni Vata ay ang "Like Jennie" ni Jennie ng BLACKPINK, "Dirty Work" ng aespa, "New Thing" ni Zico, at "Thunder" ng SEVENTEEN.
Read: Bon Appetit Your Majesty, Our Unwritten Seoul lead 62nd Baeksang Arts Awards nominees
