Pumanaw na ang Irish actor na si Michael Patrick, na nakilala sa kanyang natatanging pagganap bilang "Wildling Rioter" sa HBO hit series na Game of Thrones.
Siya ay 35.
Read: Janella Salvador shows Palawan getaway with son and Klea Pineda
Kinumpirma ng kanyang maybahay na si Naomi Sheehan ang malungkot na balita noong April 8, 2026, sa pamamagitan ng pagpu-post sa Instagram.
Ayon kay Naomi, ang matagal nang dinaramdam ni Michael na Motor Neurone Disease (MND) ang sanhi ng kanyang pagpanaw.
Ayon sa Motor Neurone Disease Association, ang MND ay isang kondisyon na nakaaapekto sa motor neurones—mga ugat sa utak at spinal cord—na responsable sa pagkontrol ng galaw ng katawan.
Kabilang sa mga sintomas nito ang panghihina ng muscles, pamumulikat, problema sa pagsasalita at pakikipagkomunikasyon, hirap sa paghinga, hirap sa paglunok, at pagbabago sa pag-iisip at asal.
Sa kasalukuyan, wala pang lunas para sa MND, bagamat may mga therapy at gamot na nakatutulong upang ma-manage ang mga sintomas at mapabuti ang sitwasyon ng isang pasyente.
Read: Experience Game of Thrones high in this Bacolod cafe-resort
MICHAEL PATRICK'S LAST MOMENTS
Kuwento ni Naomi, bago tuluyang pumanaw si Michael ay isinugod muna ito sa ospital, at nanatili siya rito nang ilang araw.
Bagama’t hindi na kinaya ng kanyang katawan ang sakit, naniniwala si Naomi na payapa itong namaalam dahil napalibutan siya ng mga mahal sa buhay sa kanyang mga huling sandali.

Mababasa sa post ng misis ni Michael (published as is): "Last night, Mick sadly passed away in the Northern Ireland Hospice.
"He was diagnosed with Motor Neurone Disease 1st February 2023.
"He was admitted 10 days ago and was cared for by the incredible team there. He passed peacefully surrounded by family and friends.
"Words can’t describe how broken-hearted we are."
Read: Arshie Larga gives P500 fuel aid to 1,169 tricycle drivers
Sabi pa ni Naomi, naging inspirasyon si Michael sa maraming tao—hindi lamang sa panahon ng kanyang pakikipaglaban sa sakit kundi sa buong buhay niya.
"It’s been said more than once that Mick was an inspiration to everyone who was privileged enough to come into contact with him, not just in the past few years during his illness but in every day of his life.
"He lived a life as full as any human can live. Joy, abundance of spirit, infectious laughter. A titan of a ginger haired man."
Sa pagkawala ni Michael, taus-pusong nagpasalamat si Naomi sa lahat ng sumuporta at nagmahal sa kanyang mister sa buong karera nito sa showbiz, hanggang sa huling sandali nito sa mundo.
Saad niya: "We are so grateful for every person who supported us through the last few years.
"Mick loved this quote from Brendan Behan and this feels appropriate now: 'The most important things to do in the world are to get something to eat, something to drink and somebody to love you.'
"So, don’t overthink it. Eat. Drink. Love."
MICHAEL PATRICK'S PROJECTS
Samantala, bukod sa Game of Thrones, napabilang rin sa cast ng ilang kilalang American series si Michael gaya ng This Town (2024), Blasts from the Past (2022), The Spectacular (2021), at My Left Nut (2020).
