Nagsalita na si Danielle Marsh, dating miyembro ng K-pop girl group na NewJeans, kaugnay ng pagkakatanggal niya sa grupo.
Nitong Lunes, January 12, 2026, nag-live sa Instagram at YouTube si Danielle upang personal na humingi ng paumanhin sa kanyang mga tagahanga, kasunod ng pagwawakas ng kanyang kontrata sa record label na ADOR, isang subsidiary ng entertainment giant na HYBE.

Noong December 29, 2025, tuluyan nang tinerminate ng ADOR ang exclusive contract ni Danielle.
Kasabay nito, inanunsiyo rin ng kumpanya na magsasampa sila ng reklamo laban sa isang miyembro ng pamilya ni Danielle at sa dating CEO ng grupo na si Min Hee Jin.
Read: Nadine Lustre calls Christophe Bariou her “prince charming”
"There’s one thing I really want to say. Right now, a lot of things are still in the process of being sorted out.
"When the time comes, I will update you all about what’s happening, about the lawsuits, and about everything, I guess, you’re curious about," pahayag ni Danielle sa video.
Bagamat nalungkot si Danielle sa naging kapalaran ng kanyang karera sa NewJeans, sinabi niya sa Bunnies (NewJeans fandom name) na ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang manatili sa grupo kasama sina Hanni, Haerin, Hyein, at Minji.

Aniya, "This much I can say for certain. I fought until the very end to be together with the members. And that truth stays with me."
DANIELLE expresses gratitude to her fans
Sa huli, taus-pusong nagpasalamat si Danielle sa patuloy na suporta ng kanyang mga tagahanga.
Nangako rin siyang unti-unti siyang babangon mula sa pagkabigong dulot ng kanyang pag-alis sa NewJeans.
Saad niya: "I want to share the days forward with you, whether it be through music, silence, or small moments. This is only the beginning.
"Over this past period, I learned a lot and had a lot I needed to protect. The way I look at family, and the way I see the world, have both changed a little.
"When I think of Bunnies, the first thing that always comes to mind is their eyes.
"In the days ahead — whether it’s music, silence, or small moments — I want to share them truthfully and beautifully with you.
"The feelings Bunnies gave me — I want to return them slowly, in the way I know how."
Dagdag pa niya, "I hope your days — each day from here on — are gentle, healthy, and filled with light."
NEWJEANS-ADOR RIFT
Matagal-tagal na sinubaybayan ng K-pop fans ang sigalot sa pagitan ng NewJeans at ADOR.
Noong February 2025 nang magpalit ng pangalan ang grupo — mula sa NewJeans ay naging NJZ.
Nangyari ito ilang buwan matapos kumalas sa ADOR ang NewJeans.
Read: K-pop girl group NewJeans unveils new group name
Noong November 28, 2024, nagpatawag ng emergency press conference sina Minji, Hanni, Danielle, Haerin, at Hyein para pormal na isapubliko ang desisyon nilang i-terminate ang kanilang exclusive contract sa ADOR at HYBE.
Ayon sa grupo, napagdesisyunan nilang umalis sa kinabibilangang ahensya dahil sa ilang paglabag umano ng mga ito sa kanilang exclusive contract.
Bagamat ginawa na raw nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makipag-ayos sa ADOR — katulad na lamang ng pagpapadala nila rito ng certification of contents — ay hindi raw nagpatinag ang label sa kanilang mga hinaing.
Laman ng certification of contents ang kanilang mga reklamo, kabilang na ang pagtawag sa kanila bilang "disposable" ng HYBE at misconduct umano ng ahensya sa dati nilang director na si Min Hee Jin.
Hiniling daw ng grupo sa ahensya na sagutin isa-isa ang mga ito sa loob ng labing-apat (14) na araw, ngunit tila pinagwalang-bahala lang ito ng ADOR at HYBE.
Read: NewJeans leaves ADOR, HYBE; reassures fans activities to proceed
Pagdating ng November 12, 2025, naglabas ng official statement sina Minji, Hanni, at Danielle para ihayag ang desisyon nilang magbalik muli sa pangangalaga ng ADOR.
Ang deklarasyon na ito ng tatlo ay nangyari ilang oras matapos isapubliko ng ADOR ang pagbabalik sa kanila ng dalawa pang miyembro ng New Jeans na sina Haerin at Hyein.
Ayon sa ADOR, parehong nagpahayag ng intensiyon sina Haerin at Hyein na ipagpatuloy ang kanilang mga aktibidad sa ilalim ng kanilang kompanya, bagay na kanila naman daw pinahintulutan.
Sa huli, apat sa limang miyembro ng NewJeans ang pinayagan lang ng ADOR na makabalik sa kanilang pangangalaga.
Read: All NewJeans members set to return to ADOR after legal dispute
