Napuno na raw si Raul Rocha sa dami ng batikos at kontrobersiyang kinakaharap ng Miss Universe Organization (MUO) matapos idaos ang 74th Miss Universe noong November 21, 2025 sa Thailand.
Sa kabila ito ng sunud-sunod na batikos sa MUO, kay Rocha, at sa nanalong Miss Universe 2025 na si Fátima Bosch ng Mexico.
Si Rocha ang kasalukuyang presidente ng MUO.
Read: Mexico crowned Miss Universe 2025: Ahtisa Manalo is 3rd runner-up
Dagdag pa riyan ang mga alegasyon ng nag-resign na hurado na si French-Lebanese composer na si Omar Harfouch, at ang pag-alma ng ilang mga kandidata dahil daw sa hindi maipaliwanag na dahilan ng pagkapanalo ni Fatima.
Read: Pagkapanalo ni Fatima Bosch, nabahiran ng kontrobersiya
RAUL ROCHA PLANNING TO SELL HIS STAKE AT MISS UNIVERSE
Sa panayam ng Mexican journalist na si Adela Micha, na iniulat ng PEOPLE.com, naglabas ng saloobin si Rocha sa kinakaharap na mga isyu ng organisasyon.
Nilinaw rin niya ang kanyang role sa MUO bilang owner ng 50 percent stake at presidente ng MUO.
Sabi niya sa wikang Espanyol, naghahanap na siya ng "someone to pass it on to."
Dagdag pa ni Rocha, "This is like a test, like a relay race. Who do I pass the baton to?"
Natanong din siya kung bakit biglang nagbago ang kanyang desisyon at nais na niyang pakawalan ang MUO na nabili lang niya noong January 2024.
Paliwanag niya, "It's just that I'm so fed up. I'm so fed up with all the talk. I don't lend myself to that kind of thing."
Hindi raw niya maarok na bilang "owner, the proprietor, the president" ng MUO, pero "everyone wants to have an opinion" sa organisasyon.
Aniya, "They want to come and tell you what decisions you make, how you make them, why you hire people, why you take away people, and why you add people."
Ang co-owner ni Raul sa MUO na si Thai billionaire Anne Jakrajutatip ay pinaghihinalaang nagtatago umano sa Mexico dahil sa kinahaharap nitong fraud case.

Naglabas na ang Phra Nakhom Tai District Court ng arrest warrant laban kay Anne.
Read: Anne Jakrajutatip, may arrest warrant; tumakas umano sa Mexico
