Pinawalang-sala ang veteran South Korean actor na si Oh Yeong-su sa kasong sexual misconduct.
Ngayong Martes, November 11, 2025, idineklara ng Suwon District Court na walang sala si Oh Yeong-su.
Kabaligtaran ito sa unang naging desisyon ng mababang hukom.
Noong March 2024, pinatawan ng walong buwang suspended prison sentence at 40 oras na pag-aaral o klase tungkol sa sexual violence si Oh Yeong-su, matapos mapatunayang guilty sa kasong inihain ng isang aktres noong 2022.
Read: Squid Game actor Oh Yeong-su found guilty of sexual misconduct
Nagsampa ng kasong sexual misconduct ang aktres—na hindi pinangalanan para maprotektahan ang pagkatao nito—dahil sa pagyakap, paghawak sa kamay, at paghalik umano ni Oh Yeong-su sa kanyang pisngi noong 2017.
Read: Archie Alemania, tahimik pa rin matapos mahatulang guilty
Mariin itong itinanggi ng beteranong aktor. Depensa noon ni Oh Yeong-su, inosente siya sa mga paratang ng aktres.
Isang beses lang daw niyang nahawakan ang kamay nito, ngunit hindi para bastusin, kundi para alalayan.
Bagay na inihingi niya noon ng tawad kung nabastusan ang aktres sa kanyang pagmamalasakit.
Matapos humingi ng dispensa, binigyan ng sexual violence counselling ang beteranong aktor noong 2018.
Read: Liza, Kim, Agot slam flood control corruption amid typhoons
Umapela si Oh Yeong-su sa naunang desisyon ng korte.
Giit ngayon ng Suwon District Court, walang sapat na ebidensiya na magpapatunay sa paratang laban sa 81-anyos na aktor kaya't pinawalang-sala nila ito.
Nakasaad dito: "The victim reluctantly agreed to the defendant’s proposal ‘for a hug,’ and the act was carried out.
"The intensity of the hug and the specific nature of the act are not clearly established, making it difficult to conclude that indecent assault occurred based on that alone," pahayag ng court of appeals.
Dagdag pa nila: "While the victim may have felt discomfort toward the defendant, we cannot rule out the possibility of emotional shifts or distorted recollection.
"When reasonable doubt remains, the judgment must be made in favor of the defendant."
WHO IS OH YEONG-SU?
Nakilala nang husto si Oh Yeong-su sa buong mundo nang gampanan niya ang karakter na Player No. 001 sa Netflix hit series na Squid Game, na nagkaroon ng pangalawang season noong 2024.

Nagwagi siyang best supporting actor sa Golden Globes 2022 dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Squid Game.
Bukod sa napanalunang award sa Golden Globes, tumanggap din si Oh Yeong-su ng nominasyon mula sa 74th Primetime Emmy Awards for Outstanding Supporting Actor in a Drama Series para pa rin sa Squid Game.
Read: Emmys 2022: Korean actor Lee Jung-jae wins Best Actor in A Drama Series for Squid Game
