Walang forever para sa Academy Award-winning Australian actress na si Nicole Kidman, 58, at sa asawa niyang singer na si Keith Urban, 57.
Nagdesisyon ang dalawang wakasan na ang kanilang pagsasama makalipas ang labingsiyam (19) na taong pagsasama.
Kinumpirma ng Daily Mail ang balita dahil sa isang source na nagbigay ng impormasyong ito: "Keith never sees Nicole, either she is filming or he is on tour.
"There was a lot of love between the two and they might not divorce, but there is a world that they both live where neither of them are in it.
“Keith and Nicole have been together for decades and there is a world which they can reconcile, but the way their pairing is now, it is not a couple.”
Read: Ryan Bang’s fiancee announces her cafe is closing soon; netizens react
LACK OF TIME FOR EACH OTHER
Ang kawalan ng oras para sa isa’t isa ang sinasabing dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.
Naging abala si Nicole sa shooting sa United Kingdom ng bagong pelikula niya, ang sequel ng Practical Magic.
Samantala, ang High & Alive tour sa Amerika at Canada naman ang pinagkakaabalahan ni Keith.
“They do make an effort to speak every day when they're apart, but it's shocking how much time they've spent apart since Nicole's mother died last September,” pahayag sa Daily Mail ng isang nakakaalam.
Hindi inaasahan ang paghihiwalay nina Nicole at Keith dahil masayang-masaya sila sa mga nakaraang panayam tungkol sa kanilang matatag na relasyon.
Mahigit tatlong buwan pa lamang ang nakalilipas nang batiin ni Nicole si Keith sa Instagram ng "Happy Anniversary Baby."
Read: Gerald Anderson spotted at the wake of Julia Barretto's uncle
View this post on Instagram
PEOPLE'S REPORT ON NICOLE-KEITH SPLIT
Iniulat naman ng People ang paghihiwalay ng dalawa at isang source din ang nagkumpirma sa kanila ng balita.
"She didn’t want this. She has been fighting to save the marriage.
"Nicole’s sister has been a rock and the entire Kidman family has come together to support one another,” pahayag ng source ng People.
Dalawa ang anak nina Nicole at Keith—sina Sunday Rose, 17, at Faith Margaret, 14.
Si Tom Cruise ang dating asawa ni Nicole, at nagsama sila mula 1990 hanggang 2001.
Hindi biniyayaan ng anak ang kanilang relasyon, pero nag-ampon sila noon ng dalawang bata—si Isabella, na 32 ngayon, at si Connor, 30.
Read: Alexa Miro confirms Sandro Marcos was her boyfriend for 5 years