Mapayapang pumanaw habang natutulog ang award-winning American actor-director na si Robert Redford sa kanyang tahanan sa Utah, USA, ngayong Martes, September 16, 2025.
Siya ay 89.
Kinumpirma ito ng kanyang publicist na si Cindi Berger sa CNN.
Nakasaad dito: “Robert Redford passed away on September 16, 2025, at his home at Sundance in the mountains of Utah—the place he loved, surrounded by those he loved. He will be missed greatly. The family requests privacy.”
Read: Former boxing world champion Ricky Hatton, 46, found dead
ROBERT REDFORD'S FILM CAREER AND ADVOCACY
Nag-umpisa ang karera ni Redford sa pag-arte sa edad na 23 noong 1959.
Ilan sa memorable films niya ay ang Butch Cassidy and the Sundance Kid (1969), The Candidate (1972), The Way We Were (1973), All the President’s Men (1976), at Out of Africa (1985).
Bukod sa pagiging aktor ay isa ring award-winning director si Redford.
Nagwagi siyang Best Director sa Oscars noong 1981 para sa kanyang movie directorial debut, ang Ordinary People (1980).
Ilan pa sa mga idinirek niyang pelikula ay ang A River Runs Through It (1991), Quiz Show (1993), at The Horse Whisperer (1997).
Bilang aktor ay isang beses lang siyang na-nominate sa Oscars — Best Actor para sa kanyang pagganap sa The Sting noong 1973.
Pero noong 2022 ay ginawaran si Redford ng Academy Honorary Award sa 74th Academy Awards.
Nakatanggap din siya ng Golden Lion for Lifetime Achievement Award mula sa Venice Film Festival 2017.
Honorary César naman ang ipinagkaloob kay Redford sa César Awards 2019.
Read: Arnel Pineda faces arrest over VAWC case
Ginamit din ni Redford ang kanyang impluwensiya para sa mga makabuluhang adhikain, kagaya ng pagligtas sa kalikasan.
Dahil dito, ginawaran siya ng National Medal of Arts na iginawad ni former President Bill Clinton noong 1996.
Presidential Medal of Freedom naman ang parangal na ibinigay sa kanya ni former President Barack Obama noong Nobyembre 2016.
Tinanggap ni Redford ang Kennedy Center Honors noong Disyembre 2005 para sa kanyang mga kontribusyon sa kultura ng Amerika sa pamamagitan ng sining ng pagtatanghal sa teatro, pelikula, at telebisyon.
Sa kabila ng maraming parangal na iginawad kay Redford bilang aktor at direktor, ang Sundance Film Festival ang itinuturing na pinakamalaking kontribusyon niya sa industriya ng pelikula.
Si Redford ang founder ng Sundance Film Festival, ang pinakamalawak na film festival para sa independent films.
Nanggaling ang pangalan nito mula sa pelikulang pinagbidahan niya noong 1969, ang Butch Cassidy and the Sundance Kid.
Read: Vice Ganda praised for handling It's Showtime gaffes with poise