Sumakabilang buhay na ang South Korean YouTuber na si Na Dong Hyun o mas kilala bilang The Great Library.
Sa ulat ng The Chosun Daily, natagpuang wala nang buhay ang 46-year-old YouTuber sa tinutuluyan niyang bahay sa Gwangjin District, Seoul, umaga ng Sabado, September 6, 2025.
Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals
Ayon sa pulisya, bago nila matagpuan ang katawan ni Na Dong Hyun ay nakatanggap sila ng report mula sa kakilala ng YouTuber.
Hindi raw kasi sumipot si Na Dong Hyun sa pinag-usapan nilang meet up at hindi na rin ito makontak at matawagan, dahilan para sila ay mag-alala sa kalagayan nito.
Mabilis namang umaksyon ang awtoridad at agad na pinuntahan si Na Dong Hyun sa address na ibinigay ng kanya sanang ka-meet up.
Pagdating sa bahay, dito nila naabutan si Na Dong Hyun na wala nang buhay.
Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulisya lalo na't wala naman silang nakitang suicide note na magtuturo sana sa dahilan ng pagkamatay nito.
Read: Suicide rate in South Korea raises mental health concerns
Saad ng awtoridad, "It is presumed that Na Dong Hyun died from an underlying illness.
"We plan to confirm the exact cause of death through an autopsy."
WHO IS NA DONG HYUN?
Si Na Dong Hyun ay isang kilalang content creator na may 1,440,000 subscribers sa YouTube.
Taong 2002 nang magsimula siya bilang YouTuber sa pamamagitan ng paggawa ng gaming content at pagre-review ng mga ito.

Dahil sa kanyang patok na content noong 2016, nagsilbi siya bilang miyembro ng policy advisory committee para sa Internet culture sa Korea Communications Commission.
2018 naman nang manalo siyang Men’s New Actor Award sa Variety Category sa Korea Culture and Entertainment Awards.
Bukod pa rito ang paglabas ni Na Dong Hyun sa Netflix reality series na The Influencer noong 2024.
