May santo na para sa mga millennial na Katoliko.
Ito ay si Carlo Acutis, isang British-Italian gamer at computer coder, na nagpakita umano ng labis na pagmamahal sa simbahang Katoliko, bago siya pumanaw noong 2006.
Ngayong araw, September 7, 2025, opisyal na siyang idineklara ng simbahan bilang isang ganap na santo.
Si Pope Leo XIV ang nag-preside sa canonization ni St. Carlo sa St. Peter’s Basilica sa Rome, Italy.
WHO IS CARLO ACUTIS?
Ayon sa Catholic News Agency, ipinanganak si Carlo sa London noong May 3, 1991.
Matapos ang ilang buwan ay lumipat ang kanyang pamilya sa Milan, Italy.
Mula pagkabata ay nagpakita ng malalim na debosyon sa Diyos si Carlo.
Mahilig siyang magsimba at magdasal ng rosaryo.
Madalas din siyang magbahagi ng mga turo ng simbahan sa mga kapamilya at kaibigan.
Mapagkawanggawa si Carlo, at lagi umano siyang nagdadala ng mga lutong pagkain para sa mga taong nakatira sa kalsada.
Dahil sa kanyang debosyon ay marami sa kanyang mga kakilala ang nahikayat na magbalik-loob sa simbahan.
Isa na rito ang kanyang ina na si Antonia Salzano.
Kasama rin si Rajesh Mohur, na naging yaya ni Carlo. Nag-convert ito sa Katoliko mula sa Hinduismo dahil sa turo ng kanyang alaga.
Noong teenager na si Carlo ay tinuruan niya ang sarili na gumawa ng mga computer programs.
Ginamit niya ang talentong ito para gumawa ng isang website na nagpapakita ng ilang mga mirakulo ng simbahang Katoliko.
Bukod sa computer programming ay nakahiligan din ni Carlo ang computer games. Ilan sa mga paborito niyang laro ay ang Pokémon, Halo, at Super Mario.
Noong October 1, 2006, nagpatingin sa doktor si Carlo dahil sa problema sa kanyang lalamunan.
Matapos ang ilang araw ay na-diagnose siya na mayroong leukemia, at tuluyang lumalala ang kanyang kondisyon.
Pumanaw siya noong October 12, 2006, sa edad na 15.

PETITION FOR BEATIFICATION
Matapos ang pagkamatay ni Carlo ay agad na gumulong ang petisyon para siya ay maging santo.
Noong October 12, 2012, anim na taon matapos ang kanyang pagpanaw, ay tuluyang tinanggap ng Archdiocese of Milan ang cause for canonization para kay Carlo.
Hudyat ito para magsimula ang pagkalap ng simbahan ng mga ebidensiyang magpapatunay sa kanyang pagka-santo.
Isa rito ang pagiging incorruptible, o hindi pag-aagnas, ng kanyang katawan.
Nakalagak ang kanyang bangkay sa glass case na matatagpuan sa isang simbahan sa Assisi sa Italy.
Isa na itong pilgrimage site.
May mga himala ring naganap dahil kay St. Carlo, at ni-recognize ng Simbahang Katoliko ang mga ito.
Ayon sa website ng Catholic News Agency (CNA), gumaling daw ang isang batang taga-Brazil na may congenital malformation sa pancreas since birth.
Noong 2013, hinawakan daw nito ang larawan ni Carlo sabay dasal ng: "I wish I could stop vomiting so much."
Agad daw tumigil ang pagsusuka ng bata, at pagkauwi, gumaling daw ito.
Isa sa mga saksi ay Fr. Nicola Gori, ang pari na siyang nagsulong sa sainthood cause ng millennial saint.
Ang pangalawang miracle ay kinilala mismo ng yumaong Pope Francis noong May 23, 2024.
Ayon pa rin sa CNA, gumaling daw ang 21-year-old student na si Valeria Valverde, na mula Costa Rica.
Na-injure daw ang ulo ng dalaga dahil sa bicycle accident habang nag-aaral sa Florence, Italy, noong 2022.
Kritikal ang kalagayan niya.
Taimtim na nagdasal at nag-iwan ng note ang ina ni Valeria sa tomb ni Blessed Carlo Acutis.
At nung araw ding yun, bumuti ang lagay ni Valeria.
Ten days layer, na-discharge siya sa Intensive Care Unit ng ospital.