Ang Aalborg Zoo ay matatagpuan sa Denmark.
Last July 2025, nag-post ito sa Facebook at Instagram ng isang kontrobersiyal na panawagan.
"Did you know that you can donate smaller pets to Aalborg Zoo?
"If you have a healthy animal that needs to be removed for various reasons, you are welcome to donate it to us."
Kabilang umano sa mga tinatanggap bilang donations ay chickens, rabbits, at guinea pigs.

Ayon pa sa post ng zoo, ang nabanggit na hayop ay important part ng diet ng ilang predators, lalung-lalo na ang European lynx.
“The wild cat needs whole prey that resembles what it would naturally hunt in the wild."
Bukod sa European lynx, mayroon ding ng Asiatic lion at Sumatran tiger sa Aalborg Zoo.
Ang donated animals “will be gently euthanized” ng trained staff bago ihain sa predator bilang pagkain.
Read: Tiny but mighty! Small dog chases off bear over food
ZOO SAYS THE POLICY IMITATES ANIMALS' NATURAL FOOD CHAIN
Sa ulat ng news website na Fox News last August 16, maging sa website ng Aalborg Zoo, may naka-upload na photo ng isang tiger habang nilalapa ang isang furry animal.
Ayon pa sa zoo, kabilang sa animal donations ang mga nakatakdang isailalim sa euthanasia.
Kailangan umano ng predators na kumain ng buong hayop—kasama ang balahibo, buto, at mga laman-loob—sa halip na hiniwang karne.
"In zoos, we have a responsibility to imitate the animals' natural food chain—for the sake of both animal welfare and professional integrity."
Sa kasalukuyan ay may 1,200 animals of 126 species sa Aalborg Zoo.
Mayroon din itong and a research and conservation center.
Read: UPDATE: Dog at LRT station rescued, adopted by concerned netizen
ZOO’S TERMS IN ACCEPTING ANIMAL DONATIONS
May mga kondisyon din ang Aalborg Zoo sa pagtanggap ng donasyong hayop.
Kung sabay-sabay ibibigay, hindi kailangang lumampas sa apat.

May mga pagkakataong tumatanggap din ito ng kabayo.
Pero hindi puwede ang mga aso at pusa.
Tumatanggap din ito ng kontribusyong pera, na tax deductible.
Read: Dog is saved moments before euthanasia in dramatic rescue
NETIZENS SAY ZOO’S PET DONATION POLICY IS DISGUSTING, ABSOLUTELY UNACCEPTABLE
Ang panawagan na ito ng Aalborg Zoo ay nakatanggap ng napakaraming batikos.
Napilitan itong i-off ang comments sa social media posts—na dinagsa ng "hateful and malicious rhetoric."

"Disgusting” umano ang panghihingi ng Aalborg Zoo ng animal donations.
"Feeding pets is absolutely unacceptable!" galit na komento ng isang netizen.
Pinuna rin ang mga kondisyon ng zoo.
Read: Parrot witnesses crime; mimics murder victim’s last words
ANIMAL RIGHTS ADVOCATE GROUP CALLS OUT ZOO’S POLICY
Sinabi naman ng animal rights advocate na People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) sa website nito na maling-mali ang pagpapakain ng companion animals sa predators.
"It’s not ‘natural behavior’ for predators from Asia, who roam and hunt for their meals, to be fed companion animals who originated in South America.
"Companion animals are never needed to ‘imitate the natural food chain of the [zoo’s] animals.'"
Ang guinea pigs, halimbawa, ay native sa Peru, Bolivia, Ecuador at Colombia.
Para sa iba pang online critics, ang ganitong policy ay nagpapalaganap sa "terrible trend of indifference with animals in Denmark."
Read: Two-year-old boy lost in wilderness rescued by rancher's dog
SOME NETIZENS AGREE WITH ZOO’S POLICY, CALL IT "CIRCLE OF LIFE"
Matapos makatanggap ng online backlash, ipinaliwanag ng Aalborg Zoo na ang animal donation policy nito ay ilang taon nang umiiral.
Kung maraming nam-bash sa zoo, may mga netizens ding kumampi rito at tinawag na "circle of life" ang request.
Ayon sa isang nagkomento: "It's better for the animals to enter the food chain rather than being thrown into the wild."
Sambit ng isa pa, "It is a dignified end for a pet that has had a good life."
Pabor din umano ito sa mga may alagang kabayo na hindi alam kung paano ididispatsa kapag maedad na ang hayop.
Isang netizen ang nagsabing nag-donate siya ng rabbit sa Aalborg Zoo.
Isinalarawan niya ito bilang "super nice and professional experience."
Pero, sansala ng isang netizen na kontra sa naturang policy: "How is putting a dead pet on a plate for a caged animal anything close to reenactment of nature?"
