Ikakasal na ang singer at Running Man cast member na si Kim Jong Kook.
Inanunsiyo ang nalalapit na pagpapakasal ni Kim Jong Kook ng kanyang pagmamay-aring agency, ang TURBO.JK Company, sa pamamagitan ng isang maikling statement ngayong Lunes ng umaga, August 18, 2025.
Read: Wild Boys producers share "tragic experience" working with Aljur and Vin Abrenica
Nakasaad dito: “It’s even more meaningful to make this new start in the significant year of his 30th debut anniversary.
“It would be great if many people could send warm support and congratulate him.”
Hindi tinukoy sa statement kung sino ang babaeng pakakasalan ni Kim Jong Kook.
Wala ring detalye kung kailan at saan gaganapin ang kanilang pag-iisang dibdib.
Ngunit ayon sa mga ulat, sa isang undisclosed location sa Seoul, South Korea, gagawin ang seremonyas na inaasahang dadaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Read: Alleged father of Bea Borres’ unborn baby breaks silence
KIM JONG KOOK: "I'M GETTING MARRIED."
Naglabas din ng handwritten letter ang 49-year-old singer-entertainer para sa kanyang mga tagasuporta:
Pahayag niya, as translated in English by Soompi: "Hello, this is Kim Jong Kook.
"Although I prepared in my heart that a day would arrive in which I would personally write this letter and share it, I feel even more nervous than I could have ever imagined now that I am writing this letter.
"I’m posting this letter to inform first the fans who always trusted and supported me, standing by 'Kim Jong Kook the person' for such a long time.
"I’m getting married.
"Honestly, I tried to drop small hints here and there… but I’m sure there are many people who feel as if this came suddenly.
"This is my 30th debut anniversary, and instead of making the album I wanted, I made my 'other half' instead… Still, please congratulate and support me…
"It’s very late, but it’s such a relief I’m going like this... Right?
"I will work hard to live well.
"The wedding will take place sometime soon on a scale that is not too big with family, close friends, and a few acquaintances.
"Thanks to the fans who have been my greatest strength for such a long time, I am getting married and taking on a new challenge in life again.
"I will continue to work harder and live diligently as Kim Jong Kook."
Marami ang nagulat sa balitang pagpapakasal ni Kim Jong Kook.
Bago ang announcement, walang nabalitang karelasyon niya.
Bagamat madalas siyang tuksuhin ng mga kasamahan niya sa Running Man at iba pang variety shows na kinabibilangan niya na may itinatago siyang karelasyon.
Read: EA Guzman and Shaira Diaz now married
WHO IS KIM JONG KOOK?
Si Kim Jong kook ay unang nakilala bilang miyembro ng South Korean duo na Turbo noong 1995.
Matapos ma-disband ang Turbo noong 2000, inilunsad niya ang kanyang solo career sa pamamagitan ng kanyang debut solo album na pinamagatang Renaissance noong 2001.
Bukod sa kanyang pagiging singer, kinagiliwan din ng publiko si Kim Jong Kook dahil sa paglabas niya sa variet shows gaya ng X-Man, Family Outing, at Running Man na umeere pa rin hanggang ngayon sa SBS.
Read: Korean actor Lee Ji Hoon accused of domestic violence by wife
