Pumanaw na ang As One member na si Lee Min You o mas kilala sa pangalang Lee Min nitong Martes, August 5, 2025.
Siya ay 46.
Read: Jak Roberto reacts to Barbie-Jameson rumored relationship
Ang malungkot na balita ay isinapubliko ng kanyang talent management na Brand New Music sa pamamagitan ng opisyal na pahayag ngayong Miyerkules, August 6.
Ayon sa Brand New Music, naabutan ng asawa ni Lee Min ang singer na wala nang buhay sa tinutuluyan nilang bahay sa Seoul, South Korea, gabi ng August 5.
Hindi pa natukoy kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng Korean singer dahil hanggang ngayon ay nag-iimbestiga pa rin ang mga awtoridad.
"The police are conducting an investigation.
"We ask that people refrain from excessive speculation until the results are released," pakiusap ng Brand New Music sa publiko, ayon sa ulat ng Soompi.com.
Read: Suicide rate in South Korea raises mental health concerns
WHO IS LEE MIN?
Taong 1999 nang mag-debut sa music scene si Lee Min bilang bahagi ng South Korean female R&B duo na As One, kunsaan dito ay kasama niya si Crystal.
Sina Lee Min at Crystal ang nasa likod ng mga kantang "Desire and Hope," "Day By Day," "For The Night," at "Something Like a Miracle."
Bago pumanaw, nag-guest pa si Lee Min sa KBS2’s music talk show na The Seasons: Park Bogum’s Cantabile noong July 4.
Nakapag-release din siya ng isa pang single na "Happy Birthday to You" noong June.
Read: Cardinal David slams gambling law after student's tragic death
