Pumanaw na ang WWE Hall of Famer na si Hulk Hogan nitong Huwebes ng madaling-araw, July 24, 2025 (U.S. time).
Binawian siya ng buhay matapos niyang ma-cardiac arrest sa kanyang tahanan sa Clearwater, Florida.
Siya ay 71.
Read: Rock legend Ozzy Osbourne dies at 76
Kinumpirma ng manager ni Hulk Hogan na si Linda Bose ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang statement na ibinahagi sa official Instagram account ng wrestling legend.
Nakasaad dito: "It is with a heavy heart and deep sadness that we confirm we have lost a legend.
"Our beloved Terry Bollea, known worldwide as Hulk Hogan, passed away today surrounded by his loved ones.
"At this time of grief, we ask that everyone please respect the privacy of his family and friends.
"May we all take solace in the wonderful memories he left behind for the millions of fans worldwide whose lives he touched for more than four decades.
"He will be missed, but never forgotten."
View this post on Instagram
HULKMANIA
Ayon sa Newsweek, opisyal na naging miyembro ng World Wrestling Federation (WWF, na ngayon ay WWE na) si Hulk Hogan noong 1983.
Sa loob lamang ng isang taon ay nakuha niya ang kanyang kauna-unahang WWF Championship nang talunin niya si The Iron Sheik sa Madison Square Garden noong January 23, 1984.
Ang pagwawagi niyang ito ang nagbigay-buhay sa "Hulkmania," isang cultural phenomenon na nagdomina sa wrestling at pop culture noong dekada '80.
Dahil sa kanyang "towering frame, signature red and yellow gear, and electrifying charisma," si Hulk Hogan ang naging mukha ng professional wrestling.
Siya ang naging main attraction sa walo sa unang siyam na WrestleManias, kabilang na ang WrestleMania III noong 1987, kung saan naganap ang di malilimutang pagba-body slam niya sa 520-pound na si Andre the Giant.
Ang tagpong iyon na tinaguriang "the body slam heard around the world," ay nananatili bilang isa sa pinaka-iconic moment sa kasaysayan ng wrestling.
