Malaking usapin ngayon sa Thailand ang isang sex scandal dahil ang mga sangkot dito ay Buddhist monks.
Isang babae ang nasa gitna ng kontrobersiya sa kasong sex extortion.
Napaulat na nang-extort ang babae ng tinatayang 285 million baht o PHP503 million halaga ng pera at mga mamahaling gamit mula sa senior Buddhist monks.
Tinatayang labing-isang monks ang kanyang nabiktima.
Base sa imbestigasyong isinagawa ng mga awtoridad, inaakit ng suspek ang mga biktima.
Kapag kumagat sa patibong niya ang monks ay nakikipagtalik siya rito at palihim na kinukunan ng video at larawan.
Ang mga video at larawan na ito ang ginagamit ng female suspect para huthutan ng pera ang monks.
Bukod sa paggamit ng pondo ng monasteryo na galing sa mga donasyon, kinukuwestiyon ngayon ang inasal ng monks dahil expected silang isinasabuhay ang act of celibacy.
Sa Thailand, aktibo sa pagbibigay ng donasyon ang mga tao sa pag-asang papaboran sila ng langit at para magkaroon ng good karma.
Kinumpirma naman ng Thai authorities na daan-daang libong monks na ang nasasangkot sa mga kaso ng maling gawain.
“Currently, there are some monks who violate the monastic discipline and commit illegal acts,” pahayag ni Kitrat Panphet, Thai police chief, sa interview ng media.
“So far, the monks who appear on the news are only a few out of more than 300,000 monks.
“It has nothing to do with religion. It is a personal matter that they have committed by themselves.”
Read: Red Uncle scandal sa China, binulabog ang buong mundo
WOMAN RECEIVES LAVISH GIFTS, HUGE MONEY
Inulat naman ng The Guardian, isang British news site, ang paghahanap sa senior monk na si Phra Thep Wachirapamok kaugnay ng sex scandal.
Sa pagtugis ng pulisya sa kanya, natunton nila ang babaeng kinilala bilang si Wilawan Emsawat.
Si Wilawan ang tinukoy ng mga pulis na nagkaroon ng “intimate relationships” sa ilang senior monks na kanyang nabiktima.
Natagpuan sa bahay ni Wilawan ang mobile phones na naglalaman ng napakaraming sensitibong kuhang videos at photos, at pakikipagpalitan niya ng mensahe kay Wachirapamok at iba pang Buddhist monks.
Nakita rin ng mga pulis ang financial trail ng babae na mula sa mga templo ang natatanggap niyang money transfer transactions.
Hindi pa nakikita si Wachirapamok mula nang umalis ito sa templo kaya hindi pa siya nasasampahan ng reklamo.
Sa interview ng media kay Wilawan, inamin niyang nagkarelasyon siya sa dalawang monks at isang religious professor.
Ibinunyag din niyang nakatanggap siya ng mga mamahaling regalo tulad ng Mercedes-Benz SLK200 at “millions” of baht sa pamamagitan ng bank transfers at personal bank card.
Ang napaulat na 285 million baht o PHP503 million na natanggap ni Wilawan ay nakuha niya sa loob lamang ng tatlong taon.
Sinampahan na siya ng kasong extortion, money laundering, at receiving of stolen goods.

Read: Pinoy netizens react to infamous Red Uncle scandal in China
THE ISSUE OF MISBEHAVING MONKS IN THAILAND
Tulad ng nasabi ng chief of police sa Thailand, daan-daang libong monks ang nasangkot na sa iba’t ibang kaso.
Hindi na bago ang isyung pagmi-misbehave ng monks sa Thailand, subalit marami ang nagulantang sa sex scandal dahil inaaasahan mula sa kanila ang maging celibate at talikuran ang mga makamundong pagnanasa.
Ang isa pang pinag-uusapan ngayon ay ang lavish lifestyle ng Buddhist monks gamit ang mga donasyon.
Ang mga kontrobersiyang ito ay nauuwi sa pagkuwestiyon sa buhay ng monks na dapat ay namumuhay alinsunod sa turo ng relihiyon at spiritual life.
Ang pinaka-recent controversy ay nagdulot ng pagpuna sa anila'y hipokrisiya ng pagiging monk, at nagdulot ng mantsa sa kanilang reputasyon.
Kasunod ng isyu, isang Bangkok Post commentator, si Sanitsuda Ekachai, ang nagsulat na sa nangyaring eskandalo, “it’s the woman who takes the fall while the monks are cast as victims.”
Pagpuna pa niya, ang monks “live in privilege.”
Isa pang kolumnista ang nagpasalamat sa akusadong si Wilawan dahil sa pagkakabunyag ng mga maling gawain ng monks.
“Without her, these deep-rooted malpractices might never have come to light,” ayon sa kolumnista.
Sabi naman ng officer worker at Buddhist na si Teerayuth Meephu, “There are both good and bad monks. Personally, I still believe in religion because of the Buddha and there are many good monks.”
Kultura sa Thailand na ang mga lalaki ay ma-ordain bilang monk at least isang beses sa kanilang buhay, na maaaring magtagal ng ilang linggo o kaya ay taon.
Sunud-sunod naman ang hakbang na ginagawa ng mga awtoridad kasunod ng pagsambulat sex scandal.
Sinabi ng National Office of Buddhism na iimbestigahan nila ang mga sangkot na monks kahit pa mataas ang kanilang posisyon.
Pinag-iisipan nila ngayon na i-revive ang mga batas na nagpaparusa sa monks na nagbibigay ng hindi magandang reputasyon sa Buddhism.
Gumawa rin ng Facebook page ang Thai police kunsaan maaaring mag-iwan ng mensahe ang publiko ukol sa monks na hindi umaasal nang tama.
Sources:
