PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

CEO's wife deletes social media after viral kiss cam moment

She deactivated her Facebook and Instagram accounts following the controversy.
by Bernie V. Franco
Published Jul 18, 2025
Andy Byron, Kristin Cabot
A CEO and his employee are caught on a kiss cam while getting cozy, setting social media abuzz. News sites also reported that the businessman's wife deactivated her social-media accounts.
PHOTO/S: Facebook

Kalat na kalat na sa news at social media ang kiss cam moment nina Andy Byron at Kristin Cabot.

Si Andy ang big boss ng tech company na Astronomer, habang si Kristin ang head ng kanyang human resources department.

Napaulat na parehong kasal sa iba ang dalawa.

Kasunod ng insidente, binura ng misis ng businessman ang kanyang social-media accounts.

Read: VIRAL: Alleged affair ng tech CEO, nahuli-cam sa Coldplay concert

THE KISS CAM VIDEO THAT WENT VIRAL

Sa kasagsagan ng concert ng Coldplay sa Gillette Stadium, Massachusetts, U.S., noong July 16, 2025, Miyerkules, kinanta ng vocalist na si Chris Martin ang “The Jumbotron Song.”

Hudyat ito para ipakita sa jumbotron wall o malaking screen ang mga couples.

Aksidenteng naibalandra rito ang magkayap na sina Andy at Kristin.

Kitang-kita na nanlaki ang mga mata ng lalaki, at mabilis na umupo para umiwas sa camera.

Agad namang tumalikod ang babae at tinakpan ang kanyang mukha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humirit tuloy si Chris Martin ng: “Either they’re having an affair or they’re just very shy.”

A CASE OF ILLICIT AFFAIR?

Pagkatapos mag-viral ng kiss cam moment, napangalanan sila at naungkat ang ilang larawang magkasama sila sa trabaho.

Andy Byron, Kristin Cabot
CEO Andy Byron (in green) and Kristin Cabot (far right) in a business setting.
Photo/s: Bain Capital Ventures via Page Six
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ayon sa ulat ng Page Six, “The two are reportedly married to other people."

Ang misis ni Andy ay kinilalang si Megan Kerrigan Byron, na nag-deactivate na ng Facebook account.

Pinatotohanan ito ng recent article ng Men’s Journal, na nasilip pa ng staff nito ang Facebook page na “Meg Kerrigan” noong July 17.

Sinabing punung-puno ng family photos ang feed ni Megan.

May iba namang blogs na nag-claim na una munang tinanggal daw ni Megan ang apelyidong Byron sa kanyang Facebook profile name, bago niya ito tuluyang dine-activate.

Kung bibisitahin ang Facebook page ni Megan, ito ang nakasaad: “This content isn’t available at the moment."

Bukod sa Facebook, binanggit ding deleted na ang Instagram account ni Megan na ang gamit sa handle ay M.E. Byron.

Hindi naman malinaw kung kailan ito tinanggal ni Megan.

Pero bago naglaho sa social media ang misis ni Andy, may mga netizens na nakapag-comment sa feed niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Base sa mga screenshots ng netizens, maraming nakikisimpatya sa kanya at may mga nagbigay ng unsolicited advice na kunin ang lahat ng pera ng businessman:

"GIRL TAKE ALL HIS MONEY AND LEAVE HIM."

"...take his money and buy your happiness"

Megan Kerrigan Byron
Megan Kerrigan Byron comments
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May lumabas at kumalat na diumano’y apology letter ni Andy kaugnay ng insidente.

Nakasaad daw rito ang paghingi niya ng tawad sa asawa, pamilya, at mga empleyado.

Hindi naman verified kung galing nga ito sa businessman.

May ilang media outlets na nakipag-ugnayan kina Andy at Kristin subalit hindi pa naglalabas ng reaksiyon ang dalawa.

Dahil sa teknolohiya at social media, naging madali ang pagbubunyag ng mga hindi dapat mabunyag.

Pero terible ang aftermath.

Ang buhay ng mga sangkot ay pagpipiyestahan ng publiko na wala naman talagang alam sa totoong kuwento, pero wagas kung makakomento.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A CEO and his employee are caught on a kiss cam while getting cozy, setting social media abuzz. News sites also reported that the businessman's wife deactivated her social-media accounts.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results