Pumanaw na ang iconic American singer na si Connie Francis, na nagpasikat ng nag-trending na kantang "Pretty Little Baby."
Siya ay 87.
Kinumpirma ng kanyang kaibigan at copyright manager na si Robin Roberts ang pagkamatay ni Connie, sa pamamagitan ng social media.
Nakasaad dito (published as is): "it is with a heavy heart and extreme sadness that i inform you of the passing of my dear friend Connie Francis last night. I know that Connie would approve that her fans are among the first to learn of this sad news."
Read: Red Uncle scandal sa China, binulabog ang buong mundo
Ayon sa ulat ng New York Post, isinugod sa ospital si Connie nitong unang linggo ng July matapos makaranas ng "extreme pain."
Noong panahong iyon ay nakapag-update pa si Connie sa kanyang followers sa pamamagitan ng social media.
Post niya noong July 2: “Hello Everyone — As many of you may now have learned through Cousin Brucie’s Facebook page, I am back in hospital where I have been undergoing tests and checks to determine the cause(s) of the extreme pain I have been experiencing.
“I had hoped to take part in Brucie’s show for Independence Day, having had to cancel a previous slot a few weeks ago when receiving treatment on my hip.
“Sadly, I had to let him know that I again had to withdraw.”
Nang mga sumunod na araw, noong July 3 at 4, sinabi ni Connie sa series of posts niyang “feeling much better” na siya habang naka-confine sa ospital.
Read: Kris Aquino's health condition continues to improve: “Today I am 112.”
PRETTY LITTLE BABY
Nitong mga nakalipas na buwan ay umakyat sa Spotifiy streaming charts ang kantang "Pretty Little Baby" ni Connie dahil sa paggamit nito bilang background music sa TikTok videos.
Pero sa panayam niya sa People, inamin ni Connie na nakalimutan na niyang mayroon pala siyang ganoong awitin.
Pahayag ni Connie: “To tell you the truth, I didn’t even remember the song! I had to listen to it to remember.
"To think that a song I recorded 63 years ago is touching the hearts of millions of people is truly awesome. It is an amazing feeling."
Inamin ng legendary singer na isang karangalan ang pagbibigay-pugay sa kanya ng publiko, lalo na ng kasalukuyang henerasyon.
Naabot ni Connie ang tugatog ng kanyang kasikatan noong 1950s hanggang 1960s sa pamamagitan ng hit songs niyang "Stupid Cupid," "Lipstick on Your Collar," "Who's Sorry Now," at "Where the Boys Are."
Noong 2008 ay bumisita si Connie sa Pilipinas para sa isang concert na ginanap sa Araneta Coliseum.
Read: Connie Francis nag-react sa pag-viral ng "Pretty Little Baby"
