Natagpuang patay si Christina Lackmann noong April 2021 sa kanyang flat sa Melbourne, Australia.
Thirty-two years old noon ang biomedical student.

Ang naging sanhi ng pagkamatay ni Christina ay overdose ng caffeine tablets.
Natuklasan iyon ng medical examiner na si Catherine Fitzgerald nito lang June 2025, naisapubliko sa media channel na news.com.au last June 17.
Read: Dog saved moments before euthanasia in dramatic rescue
WOMAN CALLS EMERGENCY LINE FOR HELP
Batay sa ulat, tumawag si Christina sa emergency line para humingi ng tulong bago mag-alas otso ng gabi noong April 21, 2021.
Sinabi niya sa nakausap na operator na nakakaramdam siya ng pagkahilo at pamamanhid.
Hindi rin siya makabangon mula sa sahig.
Pakiusap pa niya sa operator, “Please hurry.”
Read: Mom and daughter build house from 8,000 recycled glass bottles
OPERATOR CLASSIFIES HER CALL AS “NON-URGENT”
Inakala naman ng operator na ang nararanasan ni Cristina ay vertigo, isang kondisyon kung saang may feeling ng "off-balance" at dizzy spells, ayon sa WebMD.com.
Ang naging classification nito sa tawag ay “non-urgent.”
Nang tawagan ng operator si Christina makalipas ang 30 minuto, hindi na siya sumagot.
Labintatlong beses pang tinawagan ng operator si Christina, at nang hindi na talaga siya sumagot, ni-reclassify ang kanyang sitwasyon para mapadalhan siya ng ambulansiya.
Gayunpaman, nagkataong mataas ang demand para sa ambulansiya noong araw na iyon dahil panahon pa rin ng pandemya.
Ang dalawang ambulance teams na naka-assign dapat kay Christina ay ipinadala sa higher priority cases.
Read: Impostor flight attendant racks up more than 120 free flights
AMBULANCE ARRIVES LATE
Nasaklolohan si Christina bago mag-alas tres ng madaling araw.
Halos pitong oras na ang nakalipas matapos niyang tumawag ng saklolo sa emergency line.
Kinailangan pang umakyat ng paramedics sa balkonahe ng kapitbahay para lang makapasok sa kanyang flat.
Natagpuan siyang nakahandusay sa sahig ng bathroom.
Nasa tabi niya ang alagang aso na aburido na sa nakikitang sitwasyon ng amo.
Batay sa naglabasang mga ulat noon, ilang oras na siyang walang buhay nang dumating ang paramedics.
Read: Why is there a pink refrigerator in the middle of Namib Desert?
CAFFEINE OVERDOSE CAUSES WOMAN’S DEATH, BUT...
Sa toxicology report, lumalabas na si Christina ay may dangerously high levels of caffeine sa dugo sa oras ng kanyang pagkamatay.
Isang email sa kanyang smartphone ang nagsaad na tumanggap siya nung araw na iyon ng iHerb order na may 90 200mg caffeine tablets.
Panimulang pahayag ng medical examiner na si Catherine: “I am satisfied that Christina’s death was the consequence of the ingestion of caffeine tablets."
Hindi raw ito ang unang insidenteng tinangka ni Christina na wakasan ang sariling buhay.
Nag-overdose din siya noong 2015 ng caffeine tablets, pero nakaligtas.
Mula noon, nag-seek na siya ng medical help.
Nilalabanan niya ang depression sanhi ng pagkamatay ng kanyang ama sa atake sa puso.
May history rin si Christina ng anorexia nervosa at may gastrointestinal issues.
Ilang buwan bago ang kanyang kamatayan, nasa huling semester na siya para makumpleto ang science degree.
Umaasam din si Christina na magtatapos siyang may honors.
Sa pagpapautloy ni Catherinei: “However, I am not satisfied to the requisite standard that Christina intended to take her own life, although this remains a distinct possibility.”
Sa isinagawang imbestigasyon, isang toxicologist ang nagpaliwanag na ang sobrang pag-inom ng coffee ay nagreresulta sa high concentration of caffeine.

Ayon naman sa isa pang toxicologist, bagaman at ang caffeine overdose ay maaaring maging mapanganib, especially after eight hours, posibleng nakaligtas si Christina kung nasaklolohan agad siya nang tumawag ng emergency at nadala sa ospital.
Para kay Catherine, ang sobrang pagkaantala ng pagdating ambulansiya at ang problema sa emergency call triage system ay naging factors sa pagkamatay ni Christina.
Read: Mukbang Queen keeps amazingly sexy body despite eating too much
TOO MUCH CAFFEINE INTAKE CAN CAUSE DEATH
Ang caffeine tablets ay available bilang supplements sa mga pharmacy o online stores.
Ginagamit ang mga ito para maibsan ang migraines.
Nakatutulong din ang sila para maging alerto at mapaganda ang physical performance kapag nag-eehersisyo.
Ang pagkamatay sa pamamagitan ng caffeine overdose ay bihirang mangyari, pero posible.
Noong 2021, ang Florida teacher na si Katie Donnell ay namatay sanhi ng heart attack sa edad na 28.
Iniuugnay ng kanyang ina ang pagkamatay ni Katie sa sobrang pagkahilig niya sa sa energy drinks.
Ang ganitong inumin ay may mataas na sangkap ng caffeine.
Ayon sa ina ni Kathie: “Doctors said they see this happen a lot with people that do a lot of pre-workout or energy drinks, but they wouldn’t give the cause of death to that.
“I know for a fact that was what was wrong with her.”
Nasawi rin noong 2018 ang Australian musician na si Lachlan Foote sa edad na 21.
Ang sanhi ay caffeine toxicity matapos niyang magdagdag ng isang kutsaritang pulbos ng kape sa kanyang iniinom na protein shake.
Isang pag-aaral naman ng mga doktor sa India noong 2025 ang nagpapakitang ang mahigit sa 400mg (0.01oz) ng caffeine intake sa isang araw ay nagpapataas sa panganib na magkaroon ng cardiovascular disease, kahit pa sa mga malulusog na tao.
Paliwanag ng lead author ng isinagawang study na si Dr. Nency Kagathara ng Zydus Medical College and Hospital’s Department of Internal Medicine: “Regular caffeine consumption could disturb the parasympathetic system, leading to elevated blood pressure and heart rates.”
Kaya hindi lang pag-inom ng alak ang kailangang in moderation, dapat na ganito na rin ang maging practice sa pag-inom ng kape.
Read: 60 years later, grandma gets the graduation she deserves
