Nagsampa ng reklamo ang isang lalaki laban sa dating girlfriend na nang-“ghost” umano sa kanya matapos tangayin ang napanalunang premyo sa lotto.
Nagkakahalaga ng five million Canadian dollars o PHP209 million ang perang napanalunan ng lalaki sa lottery.
Ang masaklap pa rito, matapos itakbo ng ex-girlfriend ang pera, nalaman ng lalaking may iba na itong kinakasama.
Kinilala ang lottery winner bilang si Lawrence Campbell, taga-Winnipeg, Canada, ulat ng CTV News, isang Canadian news organization, noong Mayo 23, 2025.
Ang legal actions ng lalaki ay isinumite niya sa Court of King’s Bench sa Manitoba laban sa ex-girlfriend na si Krystal Ann McKay.
Sinampahan din ni Campbell ng reklamo ang Western Canada Lottery Corporation at Manitoba Liquor and Lotteries.
Kuwento ni Campbell, nagsimula ang lahat noong January 19, 2024.
Pumasok siya sa CanCo convenience store at bumili ng 6/49 lottery ticket.
Noong mga panahong iyon, nasa isang “loyal, committed and promising” relationship pa sina Campbell at McKay.
Sabi ni Campbell sa kanyang claim o salaysay, ibinigay niya ang ticket sa kasintahan dahil wala ang kanyang wallet. Nakalimutan na raw nila ang tungkol sa ticket.
Makalipas ang ilang araw, napulot umano ni Campbell ang ticket sa bahay ng kaibigan.
Ini-scan umano niya ang bar code ng ticket gamit ang kanyang phone, at doon niya nalamang nanalo siya sa lotto.
Hindi ipinaliwanag kung paano nalaglag ang ticket sa bahay ng kaibigan ni Campbell.
Kasunod nito, nagtungo sina Campbell at McKay sa isang mart para i-verify ang kanilang winning ticket.
Nakipag-usap ang magkasintahan sa representative ng Western Canada Lottery Corporation.
Dito na nagsimula ang problema. Hindi umano eligible si Campbell na i-claim ang kanyang panalo dahil wala itong valid government-issued ID.
Sinabihan umano sila ng representative ng lottery corporation na ang girlfriend na lang ang tumanggap ng napanalunan ni Campbell.
Noong January 30, 2024, iniulat ang ginanap na press conference matapos manalo sa lotto ng magkasintahan.
Dito sinabi ni McKay na ang tiket ay “birthday gift” mula kay Campbell.
Tila sinang-ayunan ito ni Campbell na ganito ang pahayag: “She had been asking me for three weeks to get a ticket, but I never went and got one.
“Then we drove by one, and I was like ‘Okay, I might as well go get you one right now.’”
Ang pera ay idineposito sa bank account ni McKay dahil walang bank account si Campbell, ayon pa sa salaysay.
Makalipas ang ilang araw, hindi na umuwi si McKay sa tinutuluyan nilang hotel room ni Campbell.

Read: “No One Passed”: Netizens react to Special Board Exam results
lotto winner now FILES COMPLAINT
Hinanap ni Campbell ang kasintahan at nabisto niya umano ito “in bed, with another guy.”
Sinabi umano ni McKay na nais na niyang makipaghiwalay kay Campbell para makasama ang bagong karelasyon.
Pagkatapos noon ay ghinost na raw ni McKay si Campbell. Hindi na niya sinasagot ang mga tawag at messages ni Campbell.
Blocked din umano ng babae si Campbell sa social media at humiling pa ng protection order laban kay Campbell.
Ayon sa abogado ni Campbell na si Chad Panting, may kinalaman ang state-owned lottery corporations sa sitwasyon ngayon ni Campbell, report ng CTV.
Sinabi ni Campbell sa kanyang salaysay na binigyan siya ng “bad advice” ng Western Canada Lottery Corporation, at hindi raw siya binalaan sa puwedeng mangyari matapos irekomendang ibigay ang winning ticket kay McKay.
Kinokontra naman ni McKay ang mga alegasyon sa kanya ng dating nobyo, ayon kay Conor Williamson, abogado ni McKay.
Magsusumite raw ng statement defense si McKay, ani Williamson.
Read: Gerald Sibayan, hindi totoong nakabalik na ng Pilipinas
EX-GIRLFRIEND's assets frozen
Nitong June 12, 2025, naglabas ng utos ang judge ng Court of King’s Bench sa Manitoba.
Ipinag-utos nito ang temporary injunction kay McKay na nagbabawal magbenta o magregalo ng anumang bagay na “of value.”
Pinagbawalan din ang babae na bumili ng “real estate, vehicles, and other valuables” dahil sa reklamo ng ex nitong si Campbell, ulat ng CTV News.
Iniutos kay McKay na bawal siyang magbenta o bumili ng anumang lalampas ng $3,500 (PHP146,000).
Ito ay kasunod ng reklamo ni Campbell na siya umano ang tunay na nagmamay-ari ng five million Canadian dollars o PHP209 million.
Kinakailangan ding magbigay ni McKay kay Campbell at sa lottery corporations ng listahan ng kanyang assests na lalampas ang halaga sa 3,500 Canadian dollars.
Inaasahan naman na susunod nang maglabas ng defense si McKay laban sa mga alegasyon ng dating boyfriend.
Ikinatuwa naman ng kampo ni Campbell ang order ng judge.
Sabi ni Panting, lawyer ni Campbell, “human instinct” ang gastusin ang ganoon kalaking pera, ulat ng Winnipeg Free Press.
“I thought I was in a good relationship with her and a healthy one. I didn’t think it was going to go this bad for me at the end,” hayag ni Campbells sa harap ng mga press.
Walo o siyam na taon daw silang “on and off” ni McKay habang nasa live-in relationship.
