Isang South Korean actress na dati ring beauty queen ang papasok sa pagiging taxi driver para magkaroon ng source of income.
Siya ay si Jung Ga Eun, na nagkuwento kung bakit ang pagta-taxi driver ang nais niyang tahaking career path.
Inilahad ito ni Jung sa kanyang YouTube channel noong kalagitnaan ng Mayo 2025.
Si Jung, 48, ay nagsimula bilang modelo noong 1997.
Mas lalo siyang nakilala matapos itanghal bilang runner-up sa Miss Korea Gyeongnam noong 2001.
Pinasok niya ang showbiz at napabilang siya sa 2013 series na The Master’s Sun.
Ang pinakahuling guest appearance niya ay sa 2022 series na Attack of the Sisters.
WHY an actress CHOOSES TO BE A TAXI DRIVER
Sa ipinost niyang YouTube video, ipinakita ni Jung ang pagkuha niya ng “taxi license exam," pati na rin ang pagkakapasa niya.
Sa mas naunang video, ikinuwento niya kung bakit pagta-taxi driver ang naisip niyang trabaho.
Aniya, “My father worked as a private taxi driver for over 30 years and raised me with that job.”
Binanggit niyang sumailalim ang ama sa surgery dahil sa esophageal cancer, at kailangang ituloy ang gamutan nito.
Batay raw sa kanyang pananaliksik, maaaring kumita ng tinatayang 10 million Korean Republic won (KRW) kada buwan ang taxi driver kung magsisipag ito.
Ang 10 million KRW/month ay katumbas ng PHP400,000/month.
Paliwanag pa ni Jung: “These days, even major companies don’t pay that much.
“If you put in the effort, this can be a really good job.”'
Matumal na raw ang dating ng mga acting projects kaya kailangan niyang maghanap ng alternative job upang suportahan ang sarili at ang anak.

Read: OFW in Canada gifted with million-dollar house by employer
WHAT CAUSED the downfall of a beauty queen and actress
Ikinasal siya sa isang businessman noong 2016 at nagkaroon ng anak na babae.
Dito na nagsimula ang paghihirap ng actress-beauty queen.
Taong 2018 nang ianunsiyo ni Jung Ga Eun na siya ay divorcee, ayon sa ulat ng AllKPop.com ng Mayo 20, 2025.
Bukod sa masalimuot niyang married life, isiniwalat din niyang na-scam siya ng dating asawa, na tinangay ang kanyang ipon na 100 million KRW o tinatayang PHP4 million.
Sinabi raw noon ng ex-husband na gagamitin ang pera sa isang business investment.
Kalaunan, nadiskubre sa imbestigasyon ng kapulisan na may 660 kasong fraud ang kanyang ex-husband.
Ginamit pa nito ang pangalan ni Jung sa ilegal na gawain, ulat pa ng allkpop.com.
Tinatayang 13.2 billion KRW (PHP538 million) ang kabuuang perang nanakaw ng kanyang ex-husband, na limang taon nang nagtatago sa ibang bansa.
Sa isang previous interview, inamin ni Jung na napanghinaan siya ng loob nang maubos ang kanyang ipon, subalit nakahugot siya ng lakas dahil sa anak.
“After my last film, there was no work.
"I looked at my bank account, and felt completely lost.
“I used to be terrified of having no money, but now I just think, ‘I’ll live within my means,’" sabi ng matapang na ina.
Dagdag nito, "Things are still uncertain, but raising my child has made me stronger.”
Read: Life story of Vangie Carr: Meat seller earning millions a month
