PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Korean YouTuber slammed over breastmilk videos with Filipina moms

He drinks breastmilk he buys from Pinay moms for 500 pesos.
by KC Cordero
Published May 17, 2025
The Korean YouTuber drinking breastmilk
Nabatikos ng kanyang mga kababayan ang Korean YouTuber na bumibili at umiinom ng gatas ng mga Pinay mommies. (Photo: Screenshot at JTBC News)

Isang male Korean YouTuber na naninirahan sa Pilipinas ang kinokondena ngayon sa South Korea matapos mag-post ng videos na bumibili at umiinom ng breastmilk ng mga Pinay mommies.

Ibinunyag ito ng panggabing newscast sa JTBC News, isang South Korean television network, nitong May 9, 2025.

The Korean YouTuber
Ang Korean YouTuber habang umiinom ng biniling gatas ng ina. Photo: Screenshot at JTBC News
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi isinapubliko ang pagkakakilanlan sa Korean YouTuber, gayundin ang tawag sa kanyang YouTube channel.

Pero ayon sa newscast, mayroon siyang mahigit 4.5 million followers sa social media.

Walong taon na rin siyang vlogger at nakapag-upload na sa kanyang channel ng mahigit 4,000 videos—30 sa mga ito ay tungkol sa mga naging transaksiyon niya sa mga Pinay mommies na willing magbenta ng kanilang breastmilk.

Read: Stir-fried cassia caterpillars, Vietnam’s exotic food

WHY THE KOREAN YOUTUBER BUYS BREASTMILK

Sa ipinakitang screen grab, tinakpan ang mukha ng vlogger habang kausap ang mga Pinay mommies na nagbi-breastfeed.

Inaalok niya raw ng PHP500 ang bawat nanay na gustong bentahan siya ng breast milk.

Kung minsan, sa batang dumedede inaabot ng vlogger ang pera.

Pagkatapos, iniinom niya on the spot ang breastmilk, na ayon sa kanya ay fresh and healthy.

Sa ibang video, ayon pa rin sa newscast, hinahaluan ng Korean YouTuber ng alcohol ang breast milk para sa mukbang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang nakababahala, kitang-kita ang mukha ng mga nanay at mga bata sa mga videos.

At ang sabi sa ulat, mistulang sexual exploitation ito at pinagkakakitaan ang kahirapan ng mga Pinay mommies na nagbebenta ng breastmilk.

Nakapanayam ng JTBC News ang Korean YouTuber.

Ipinagtanggol nito ang ginagawa, at ikinumpara pa ang sarili kay Santa Claus.

Ang claim pa niya: nakakatulong ang mga videos sa local community.

“I just wanted to support the mothers and their children by paying for the milk since they have no work there.

“I am like Santa Claus or a kind uncle who helps those in need.”

Pagmamalaki pa ng Korean YouTuber, “I am very popular in the Philippines.”

Itinanggi rin nitong may sexual intent ang pagbili at pag-inom niya ng breast milk.

Para lang umano iyon sa personal health reasons, at walang kinalaman sa “cultural difference.”

Read: Man lives by eating 2 slices of toasted bread with butter daily

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SOUTH KOREANS CONDEMN THE VLOGGER

Hindi sinang-ayunan ni Kim Eun-bae, former head ng International Criminal Investigation Unit ng Seoul Metropolitan Police Agency sa South Korea, ang katwiran ng Korean YouTuber.

Ayon kay Kim: “Handing money to the child instead of the mother undermines the dignity of both the mothers and their children.

“This behavior risks encouraging further exploitation and damages South Korea’s image globally.”

Nabatikos din ng mga kapwa South Koreans ang vlogger.

Ayon sa isang netizen, “This is a complete joke. Stop mocking and making fun of poor people.”

Sambit ng isa pa, "Sanctions against this type of content are needed so as not to damage the image of Koreans."

Paalala naman ng isang panelist ng JTBC News sa Korean YouTuber, “Well, if you really want to help, just give money. What the heck is this?”

Read: Parrot witnesses crime; mimics murder victim’s last words

HEALTH RISKS OF DRINKING UNREGULATED BREASTMILK

Samantala, may mga bumibili ng unregulated breastmilk sa China for personal consumption.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinuturing nila ang gatas ng ina bilang isang health tonic.

May tradisyunal ding paniniwala sa China na ang gatas ng ina ay isang masustansiyang inumin para sa mga taong may sakit at makatutulong sa mabilis nilang paggaling.

Gayunpaman, sa kabila ng mga health benefits nito sa babies, ang ilegal na pagbili at pagkonsumo ng breast milk ay posibleng magdulot ng seryosong panganib sa kalusugan.

May posibilidad kasing maisalin sa iinom ang mga nakahahawang sakit gaya ng HIV at hepatitis B.

Read: “Marites” na kapitbahay, naging susi sa pag-rescue sa 3 bata

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nabatikos ng kanyang mga kababayan ang Korean YouTuber na bumibili at umiinom ng gatas ng mga Pinay mommies. (Photo: Screenshot at JTBC News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results