Nakaukit na ang pangalan ni Jorge Mario Bergoglio sa kasaysayan.
Sa edad na 76, nahirang siya bilang ika-266 na Santo Papa—at ginamit ang pangalang Pope Francis.
Mula noon, nakilala siya sa buong mundo.

Ang pagpanaw niya noong April 21, 2025, sa edad na 88, ay naging sanhi ng pagluluksa ng sanlibutan.
Gayunpaman, bago siya naging lider ng Simbahang Katoliko, si Pope Francis—na isang Argentinian—ay nagkaroon daw siya ng childhood sweetheart.
At kung nagkatuluyan sila, posibleng nabago ang naging takbo ng kapalaran ng Santo Papa.
Read: Pope Francis dies at 88
MEET AMALIA DAMONTE, THE POPE’S CHILDHOOD SWEETHEART
Ang babaeng itinangi ni Pope Francis ay nagngangalang Amalia Damonte.
Ayon sa ulat ng news website na Hola! last April 26, taga-Argentina rin si Amalia.

Nagkakilala sila ni Jorge Mario noong mga bata pa sila.
Magkapitbahay ang dalawa sa Flores, Buenos Aires, at ilang metro lang ang pagitan ng kanilang mga bahay.
Noong 12 years old sina Jorge Mario at Amalia, madalas silang magkasama sa paglalaro at pakikiisa sa mga community activities.
Dahil dito, nahulog ang loob nila sa isa’t isa.
Read: Sino si Sister Genevieve, madreng lumabag sa Vatican protocol?
POPE FRANCIS’S message TO AMALIA
Sa paglipas ng mga taon, mas lumalim ang bonding ng magkababata.
Ang paraan ng kanilang komunikasyon magkaminsan ay idinadaan nila sa mga liham.
Isang liham noon ni Jorge Mario ang naghayag ng kanyang damdamin kay Amalia.
Sa panayam ni Amalia sa Argentine media, sinabihan daw siya ng kababata na: “If I don’t marry you, I will become a priest.”
Paglalarawan naman niya kay Jorge Mario, “He was mature, wonderful.”
Nagbalik-tanaw rin siya sa madalas nilang gawin noon: “We played on the sidewalks or in the local parks, we danced.
“It was a beautiful time.
“We were very humble, we loved the poor, and in that, we were soulmates.”
Ibinahagi rin niya sa media na iniisip na noon ni Jorge Mario kung ano ang magiging buhay nila bilang mag-asawa.
Gumuhit pa ito ng isang bahay na may pulang bubong at dingding na puti—na kanila umanong magiging tahanan kapag sila ay nagpakasal.
Yun nga lang, ang pangarap nina Jorge Mario at Amalia ay hindi nagkaroon ng katuparan.
Read: The Pope Dies: What happens next in the Vatican?
AMALIA’S PARENTS DISAPPROVE OF JORGE MARIO BERGOGLIO
Nagkaroon iyon ng sad ending ang pagmamahalan nina Jorge Mario at Amalia.
Natuklasan ng parents ng babae ang mga sulat sa kanya.
Dahil sa murang edad ni Amalia—at noon ay napag-uusapan na nila ni Jorge Mario ang pagpapakasal—sinabihan siya ng kanyang parents na iwasan si Jorge Mario.
Ginamit ng mga ito ang kanilang parental authority at pinagbawalan siyang makipagkita sa kasintahan.
Kuwento ni Amalia: “My mother found the letter and gave me a beating.
“I begged Jorge Mario not to see me anymore.
“It was just a childish thing.”
Sa panayam sa kanya ng CBS News last March 15, 2013, nang mahirang si Jorge Mario bilang Santo Papa, sinabi ni Amalia na galit na galit noon ang kanyang parents.
Pinalo siya ng ama, at kinompronta ng ina.
"My mom broke it off. Good lord, she came to get me at the school, and she said, 'So, you're getting letters from a boy?!’
"My parents pulled me away completely. From that point on, they did everything possible to separate us.
"What I wanted is for him to disappear from the map!"
Isang beses na lang silang nakapag-usap noon ni Jorge Mario.
"I told him, please, don't approach me again, get as far away as possible, because if you get close to my father, he'll kill you!"
Sa huli ng panayam ay sinabi ni Amalia na. “It was nothing important because we couldn't have much with the parents we had."
Read: Meet Jessie Sincioco, the chef who prepared Pope Francis’s meals during Papal visit in 2015
JORGE MARIO AND AMALIA WENT SEPARATE WAYS
Makalipas ang halos isang dekada matapos ang insidente, umalis na sa kanilang lugar si Jorge Mario at ang pamilya nito.
Si Amalia ay umalis din at nagkaroon ng pamilya.
Bumalik na lamang siya sa dating bahay ng kanyang parents makalipas ang ilang taon.
Sa Argentina pa rin siya naninirahan.
Bilang respeto sa pangarap noon ni Jorge Mario, iniwasan ni Amalia na tumira sa bahay na pula ang bubong at puti ang mga dingding.
Pinahalagahan niya sa kaibuturan ng puso ang pangako at mga alaala na bahagi ng romantikong yugto ng kanyang unang pag-ibig.
Pinanindigan naman ni Jorge Mario ang pangakong kung hindi si Amalia ang mapapangasawa ay magpapari siya.
Noong December 1936, ilang araw bago ang kanyang ika-33 kaarawan, naordenahan siya bilang pari.
Nanirahan siya sa Germany, at kalaunan ay sa Córdoba, Argentina.
Noong 1992, itinalaga siya ni Pope John Paul II bilang obispo ng Oca, at isa sa four auxiliary bishops ng Archdiocese of Buenos Aires.
Nang pumanaw si Pope John Paul II, isa na si Jorge Mario sa mga ikinonsiderang kapalit nito.
Noong March 2013, matapos magbitiw ni Pope Benedict XVI, nahirang si Jorge Mario Bergoglio bilang ika-266 na Santo Papa, at ginamit niya ang pangalang Pope Francis.
Sa kabila naman ng nangyari sa kanila, iniulat ng Argentine media na nagpatuloy ang komunikasyon nina Pope Francis at Amalia.
Nagpapalitan daw sila ng mga liham kapag may espesyal na okasyon.
Read: Cardinal Luis Antonio Tagle: Possible successor to Pope Francis?
AMALIA STILL REMEMBERS JORGE MARIO WITH FONDNESS
Eighty-eight years old na rin si Amalia ngayon.
Aminado siyang lagi niyang naaalala si Jorge Mario with fondness.
Tinawag siya ng Argentine media bilang "Pope's Girlfriend."

Nang tanungin siya noon kung susubukan ba niyang makitang muli si Jorge Mario, sagot niya: "He's in a very high position, and I'm still very humble.
"I'm the past—a past that's lovely, clean, humble."
Sa isang panayam ay pabiro niyang sinabi na ang kanyang naging desisyon na layuan ito ay malaki ang naging papel kung bakit ito naging Santo Papa.
Ani Amalia, “Luckily for him, I said no.”
