PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mexican actor Manuel Masalva in medical coma after PH visit

DOH: "Huwag pong magpanic ang ating mga kababayan..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 8, 2025
Mexican actor Manuel Masalva in medical coma after PH visit
Manuel Masalva, who is known for his role in Narcos: Mexico, is now in "medically induced coma" after contracting an aggressive bacterial infection following his recent trip to the Philippines.
PHOTO/S: Manuel Masalva on Instagram

Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang Mexican actor na si Manuel Masalva matapos tamaan ng agresibong bacterial infection, kasunod ng pagbabakasyon nito sa Pilipinas.

Si Manuel ay kilalang aktor sa Mexico.

Ilan sa mga proyektong nagawa niya ay ang Neflix series na Narcos: Mexico (2021), The Secret of the Greco Family (2022), at La Guzmán (2019).

Read: Juan Karlos, sangkot sa iringang Daniel at Kyle sa ABS-CBN Ball?

Sa panayam ng Los Angeles Times sa manager ni Manuel na si Jaime Jaramillo Espinosa nitong Lunes, April 7, 2025, sinabi nitong kasalukuyang nasa "medically induced coma" ang aktor sa isang ospital sa Dubai, United Arab Emirates.

Naniniwala ang manager ni Manuel na nakuha ng aktor ang bacteria sa Pilipinas nang magbakasyon ito sa Palawan bago magpunta sa Dubai noong March 18.

Dalawang araw mula nang dumating si Manuel sa Dubai ay nagsimula na umano itong makaramdam ng "internal discomfort and pain."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Mexican actor Manuel Masalva in medical coma after PH visit
Based on Manuel Masalva’s recent Instagram posts, he enjoyed a trip to Palawan along with several companions.
Photo/s: Manuel Masalva on Instagram

Lumala raw ito nang lumala hanggang noong March 26 ay itinakbo na nila sa ospital ang aktor.

Mabilis daw isinailalim sa medical tests si Manuel, at dito nakita ng mga doktor ang matinding bacteria na pumasok sa katawan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lani Misalucha, nawalan ng pandinig dahil sa bacterial meningitis

Kinabukasan matapos ang tests, natuklasan ng mga doktor na umabot na sa baga ni Manuel ang impeksiyon dala ng bacteria kung kaya't isinailalim na sa medically induced coma ang aktor.

Ayon sa Mayo Clinic, ang medically induced coma "is a reversible state of deep unresponsiveness that is brought about by sedative administration in an attempt to protect the brain from traumatic damage. The sedatives trigger unconsciousness by suppressing various aspects of brain activity. This helps to lessen the energy requirements of the brain that would otherwise be used to sustain conscious arousal, enabling it to spend more energy on regeneration."

MANUEL IS UNDER OBSERVATION AND MEDICATION

Sa ngayon ay natukoy na raw ng mga doktor ang bacteria na tumama kay Manuel kaya agaran nila itong binigyan ng antibiotic na makatutulong sa pagsugpo ng pagkalat nito.

Pahayag ng manager ni Manuel: "The doctors were able to identify the type of bacteria and administer the appropriate antibiotic he needs.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"On the other hand, his respirator was lowered to 80 percent, which means that his lungs are reacting."

DOH TELLS PUBLIC no need to panic

Kaugnay nito, hiningan ng reaksiyon ng TeleRadyo Serbisyo ang Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH spokesman Albert Domingo, walang dapat ipag-alala ang publiko.

Ginagawa raw nila ang lahat ng kanilang makakaya para makipag-ugnayan sa ospital sa Dubai na pinagdalhan kay Manuel para malaman ang bacteria na natuklasan sa katawan ng aktor.

At maging sa Mexico na pinanggalingan ni Manuel bago siya magtungo sa Pilipinas.

Pahayag ni Domingo: "Ang unang tanong nga namin—anong bacteria? Kasi ang daming bacteria sa buong paligid natin.

"Actually, ngayon pa lang na humihinga tayo tapos humawak tayo sa lamesa, may bacteria. Pero hindi naman po lahat aggressive at hindi lahat nagkakasakit.

"We are not discounting the fact na nagkaroon ng sakit yung ating celebrity at, ayon sa kanyang publicists, is from the Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero sana sinabi po kung ano yung particular na bacteria, kung saan mismo nakuha para makilusan natin.

"Huwag pong mag-panic ang ating mga kababayan dahil if you read the news reports, sila na mismo ang nagsabi na kayang gamutin ng antibiotics kung anuman yung nakita nila [na bacteria].

"Kami naman po sa DOH, wala po kaming magawa dahil sa labas po siya [ng bansa] nagpaospital.

"But we are already asking officially doon sa Dubai at Mexico kung anuman po yung sakit na iyon para po matugunan natin."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manuel Masalva, who is known for his role in Narcos: Mexico, is now in "medically induced coma" after contracting an aggressive bacterial infection following his recent trip to the Philippines.
PHOTO/S: Manuel Masalva on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results