Pumanaw ang Hollywood actor na si Val Kilmer dahil sa pneumonia noong Abril 1, 2025.
Siya ay 65.
Binawian ng buhay si Kilmer sa Los Angeles, California.
Kinumpirma ng kanyang anak na si Mercedes ang pagpanaw ng aktor.
Read: In Memoriam: Showbiz Personalities We Lost in 2024
Noong 2014, na-diagnose si Kilmer na mayroong throat cancer.
Gumaling siya pero nasira ang vocal chords niya dahil sa trachea procedure kaya naging mahirap para sa kanya ang magsalita.
Noong 2020, inilabas ni Kilmer ang autobiography book nitong may pamagat na I’m Your Huckleberry: A Memoir.
Critically acclaimed naman ang premiere sa 2001 Cannes Film Festival ang Val, ang documentary tungkol sa kanyang karamdaman at acting career.
Ibinalita ni Kilmer noong 2020 ang paggaling ng throat cancer niya, pero patuloy ang kanyang pakikipaglaban katulad ng paggamit ng feeding tube para makakain siya.
Nang sumunod na taon, 2021, nakipagtulungan si Kilmer sa isang London-based software company para sa digital recreation ng kanyang napinsalang boses sa tulong ng AI technology at archived audio recordings ng tinig niya.
Read: Kiki Hakansson, first-ever Miss World, dies peacefully at 95
VAL KILMER'S FILMOGRAPHY
Sumikat nang husto si Kilmer noong dekada '90. Kabilang siya sa mga highest-paid actor dahil pinipilahan sa box office ang kanyang mga pelikula.
Kabilang ang Top Gun (1986), na pinagbidahan ni Tom Cruise, sa mga proyekto ni Kilmer noong nag-uumpisa pa lamang ang kanyang Hollywood career.
Gumanap siya rito bilang si Lt. Tom "Iceman" Kazansky.

Ilan pa sa kilalang karakter na ginampanan ni Kilmer sa pelikula ay bilang Jim Morrison sa The Doors (1991); bilang Doc Holliday sa Tombstone (1993); bilang DC superhero na si Batman/Bruce Wayne sa Batman Forever (1995); bilang Simon Templar sa The Saint (1997); boses ni Moses/God sa Prince of Egypt (1998); at bilang porn actor na si John Holmes sa Wonderland (2003).
Tumatak din ang kanyang pagganap sa mga pelikulang Heat (1995), The Island of Dr. Moreau (1996), Pollock (2000), Spartan (2004), Alexander (2004), at Kill The Irishman (2011).
Ang Top Gun: Maverick (2022), sequel ng Top Gun, ang huling pelikula ni Kilmer, kung saan nag-cameo siya upang i-reprise ang kanyang role bilang Iceman.
Read: Brazilian music legend Sergio Mendes passes away at 83