Sixty-six years old na si Li Dongju ng Zhengzhou, China.
Mayroon na siyang mga apo.
Nakapag-bike na siya sa 12 bansa—nang nag-iisa.
Sa pamamagitan ng bike, nakapag-ikot na si Li sa Southeast Asia, Europe, at Oceania.
Narating na rin niya ang Cambodia, France, at Australia.

Sinimulan niya ang pagba-bike noong 2013.
Pahayag niya sa panayam ng CNN Travel noong March 18, 2025, ang goal niya ay mabisita ang “at least 100 countries.”
Dagdag pa ni Li, addictive ang pagta-travel.
“Once you taste it, you just can’t stop.”
Read: Alona Canovas: From constant late enrollee to board topnotcher
LI DONGJU’S BIKING AND TRAVEL WOES
Ang isang dilemma ni Li, ang kanyang travels ay hindi laging madali.
Mandarin lang kasi ang alam niyang lenggwahe.
Para makipagkuwentuhan sa mga local ng bansang kanyang pinupuntahan, kinakailangan pa niya ng translation apps.
Aminado si Li na kapos din siya sa budget.
Dahil dito, problema niya lagi ang lodging.
Ang ginagawa niya, natutulog siya sa mga parks, gas stations—at maging sa mga sementeryo.
May mga Good Samaritans naman na nakikilala niya sa kanyang pamamasyal na nagpapatuloy sa kanya sa tahanan ng mga ito.
Read: Meet Sara Samaniego: The basurera influencer in Colombia
LI DONGJU GOT INTO BIKING TO FEND OFF DEPRESSION AFTER DIVORCE
Sinimulan ni Li ang biking and travelling noong 2013 bilang pastime.
Nagkaroon kasi siya ng depression matapos ang divorce nila ng kanyang mister.
Ani Li, bago siya nahilig sa pagba-bike ay umaasa lang siya noon sa tulong ng ibang tao.
Para umano siyang isang palaka na nakakulong sa isang balon.
Sa panahon ding iyon, may isang grupo ng cyclists na dumaan sa harapan ng kanyang bahay at nakita niya.
Hindi niya alam kung bakit, pero sinumpong siya ng inggit sa mga ito.

Bigla siyang nagkaroon ng interes na mag-bike.
Bumili siya ng bicycle helmet.
Binilhan naman siya ng kanyang anak na lalaki ng folding mountain bike.
Pahayag ni Li sa panayam, “Now, I’m a wild wolf — free, fearless and independent.”
Read: Embassy of Japan scraps visa fee for Filipino tourists
HOW LI DONGJU FINANCE HER BIKING ADVENTURES
Nagretiro si Li sa kanyang trabaho sa isang textile factory noong 2002.
Ang kanyang pension ngayon kada buwan nasa PHP23,000.
Noong una siyang magplano ng long trip, ang target niya ay Tibet.
Pero hindi niya nagawa dahil ang hawak lang niyang pera ay nasa PHP1,500.
Hindi pa siya tumatanggap ng pension noon.
Read: Vegetable Orchestra plays instruments made from veggies
Para madagdagan ang kanyang budget, isang taon siyang namasukan bilang house cleaner.
Nang makaipon, sinimulan niyang mag-travel sa Southeast Asia kasama ang dalawang seasoned cyclists na nakilala niya online.
Yun nga lang, makalipas ang isang linggo habang nasa Vietnam sila ay napahiwalay siya sa mga ito.
Naiwan siya ng mga ito dahil hindi pa siya ganoon kahusay mag-bike.
Mabuti na lang at may nakilala siyang local cyclist na marunong mag-Mandarin.
Natulungan siya nitong makabalik sa China.
Read: Croatia opens 3,500 hotel jobs for overseas Filipino workers
GRANDMA LI DONGJU PLANS HER NEXT BIKING AND TRAVEL
Hindi nasiraan ng loob si Li sa hindi naging magandang karanasan sa unang sabak sa pagba-bike.
Nagplano siya ng kanyang second trip.
This time, nag-bike muna siya sa 20 lungsod sa China kasama ang kanyang alagang poodle na si Xili—na pumanaw na noong 2023.
Sa kanyang pagbiyahe sa iba’t ibang lungsod sa China, nagagawa pa niyang mag-sideline sa pamamagitan ng paglilinis ng mga spa at hotel.
Sa kinikita mula rito, nadadagdagan ang pondo ni Li para maipagpatuloy niya ang kanyang hobby.
Read: Renair Palabasan: 10 years in college, Top 10 in board exam
GRANDMA LI DONGJU’S COLORFUL EXPERIENCES WHILE BIKING
Makalipas ang dalawang taon, muling nagplano si Li na mag-travel sa labas ng China.
Nag-ikot siyang muli sa Southeast Asia sakay ng bike kasama ang dalawa niyang elderly cycling friends.
Makalipas ang dalawang linggo, nagpasya ang dalawa niyang kasama na umuwi na.
Naiwan si Li na nakapag-bike sa Vietnam, Cambodia, Thailand, at Myanmar nang nag-iisa sa loob ng 70 araw.
Kabilang sa accomplishments niya ang pagba-bike sa anim na bansa sa Europe.
At hindi pa rin nawawalan ng indulto ang kanyang mga biyahe.
Sa Australia, nawala ang kanyang backpack na naglalaman ng lahat niyang cycling gear and supplies.
Kinailangan niyang bumili ng mga bagong gamit.
May bloopers din si Li.
Nang tumatawid siya sa border ng Bosnia and Herzegovina, inakala niyang nakikipag-apir sa kanya ang dalawang armadong guwardiya.
Yun pala, kinakawayan siya ng mga ito dahil kailangan niyang sumailalim sa inspection.
Read: Kathleen Jane Latimban: no Latin honor, Top 8 in board exam
GOOD SAMARITANS ALONG THE WAY
Para kay Li, sa kanyang travels ay mas maraming magagandang alala kaysa sa malungkot.
Noong nasa Australia siya at kainitan ng panahon, isang couple na sakay ng recreational vehicle ang nagbigay sa kanya ng isang malaking boteng puno ng malamig na tubig.
Binigyan din siya ng mga ito ng hamburger, at ilang piraso ng pomegranates.

Isang gabing nagkakabit na siya ng kanyang tent sa park para magpahinga, isang couple na parehong cyclists ang inimbitahan siyang sa bahay ng mga ito matulog.
Nalaman niyang nakarating na rin ang mga ito sa China.
Lagi namang may dala-dala si Li na Chinese knots.
Ibinibigay niya ito bilang remembrance at pasasalamat sa mga nakakatulong sa kanyang paglalakbay.
Sa ngayon, tatlong taon nang hindi nakakapag-travel si Li.
Napahinto siya nang lumaganap ang pandemya.
Kasalukuyan siyang gumagawa ng plano para sa gagawin niyang muling pagba-bike—this time ay mula naman Kazakhstan hanggang United Arab Emirates.
Read: Meet Sitti Sahid: Top 3 in respiratory therapists board exam
