Sinampahan ng reklamo ng Gold Medalist, ang talent agency na kinabibilangan ni Kim Soo Hyun, ang Garosero Research Institute dahil sa paglalabas nito ng pribadong litrato ng aktor.
Paglabag sa Korea's Act on Special Cases Concerning the Punishment of Sexual Crimes, o distribution of illegal footage, ang reklamong inihain ng kampo ni Kim Soo Hyun.
Bukod sa Garosero Research Institute, sinampahan din ng reklamo ang pamilya ng yumaong aktres na si Kim Sae Ron na nagbigay umano ng pribadong litrato ni Kim Soo Hyun.
Ang Garosero Research Institute ay isang independent media platform sa South Korea na nakilala bilang "whistleblower" o nagbubulgar ng eskandalo sa mundo ng entertainment, business, at politics.
Read: Kim Soo Hyun camp answers "false claims" of Kim Sae Ron's family
THE VIRAL PRIVATE PHOTO OF KIM SOO HYUN
Noong March 16, 2025, isang pribadong litrato ni Kim Soo Hyun ang isinapubliko ng Garosero.
Nakasuot ng black T-shirt si Kim Soo Hyun habang naka-censor naman ang gitnang bahagi ng kanyang katawan dahil walang suot na pang-ibaba ang aktor.
Makikita sa litrato ang aktor na naghuhugas ng mga pinggan sa lababo ng pinaniniwalaang bahay ni Kim Sae Ron.

Agad naglabas ng pahayag ang Gold Medalist tungkol dito.
Read: Kim Soo Hyun's private photo at Kim Sae Ron's house goes viral
Sa ulat ng Koreaboo, kinumpirma ng Gold Medalist na ang aktor nga ang lalaking nasa viral photo.
Ngunit giit nila, walang rason ang Garosero para i-upload ito.
Kinumpirma na raw ng aktor na totoong nakarelasyon nito ang namayapang aktres na si Kim Sae Ron.
Ito ay sa kabila ng ilang ulit na pagde-deny noong una ng kampo ni Kim Soo Hyun.

Read: Kim Soo Hyun denies dating claims with late Kim Sae Ron anew
Hindi naman nasindak ang Garosero sa pahayag na ito ng Gold Medalist.
Pagbabanta nila, marami pa silang ilalabas na video at picture ni Kim Soo Hyun sa mga susunod na araw, at galing daw mismo ang mga ito sa pamilya ni Kim Sae Ron.
Read: Kim Sae Ron's family demands public apology from Kim Soo Hyun
Kim Soo Hyun’s agency takes legal action
Ngayong Huwebes, March 20, 2025, inanunsiyo ng legal counsel ng Gold Medalist na sinampahan nila ng reklamo ang YouTube operator ng Garosero na si Kim Se Eui at ilang kaanak ni Kim Sae Ron, partikular na ang nagpakilalang "aunt" nito.
Ginawa ng Gold Medalist ang hakbang na ito para mapanagot daw ang mga nagpakalat ng pribadong litrato ng aktor na naging mitsa para mas lalo itong kamuhian at i-bash ng publiko.
Read:
- Kim Soo Hyun faces backlash for dating rumors with Kim Sae Ron
- Brands cut ties with Kim Soo Hyun amid controversy
Mababasa sa kanilang pahayag (base sa English translation ng Allkpop):
"As the management agency for actor Kim Soo Hyun, we have filed a criminal complaint today against Kim Se Eui, who posted a photo of Kim Soo Hyun in a state of undress during a live broadcast on his YouTube channel, and against an unidentified person who claims to be the aunt of the late Kim Sae Ron, who provided the photo to Kim Se Eui, leading to its public release."
Dahil sa pagkalat ng litrato, nakakaramdam daw ngayon ng "sexual embarrasment" ang aktor.
Paglilinaw rin ng Gold Medalist, nakunan ang viral picture nang nasa hustong gulang na si Kim Sae Ron at maging karelasyon nito si Kim Soo Hyun.
Read: Kim Soo Hyun finally admits past relationship with Kim Sae Ron
Saad ng Gold Medalist: "The photo captures a part of Kim Soo Hyun’s body that could cause him sexual embarrassment.
"It should never have been made public, nor was there any justification for its release."
Panggigipit kung ituring ng Gold Medalist ang patuloy na pagbabanta ng Garosero kay Kim Soo Hyun na patuloy silang maglalabas ng litrato at video ng aktor.
Saad ng legal counsel ng talent management ni Kim Soo Hyun: "Posting such an image on a YouTube channel constitutes a clear criminal act.
"Moreover, Garosero Research Institute has threatened to continue releasing similar photos, which leaves us no choice but to take strong legal action.
"The unauthorized distribution or public display of intimate images that could cause sexual embarrassment is a serious crime. We hope that such behavior will not be repeated."
Read: EXPLAINER: What fuels cancel culture in South Korea?
Dagdag pa nila: "If the late Kim Sae Ron’s family and Garosero Research Institute continue to spread false information, we will be left with no choice but to take comprehensive legal action to protect the honor and reputation of our actor and the agency."
Read: Seo Ye Ji denies dating rumors with Kim Soo Hyun
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang sagot ang pamilya ni Kim Sae Ron, maging ang Garosero Research Institute, sa isinampang reklamo ni Kim Soo Hyun at ng Gold Medalist.
Read: Kim Soo Hyun at Kim Chiu, may parehong karanasan sa endorsement
