Ang solitary bees sa Barbosa, Colombia, ay mayroon na ngayong maaaring maging tirahan.
Ginawan sila ng “bee hotels” ng Aburra Valley Metropolitan Authority para may kanlungan at pahingaan sila matapos ang buong maghapon ng pollinating.

Iniulat ito ng YouTube channel na The Solitary Bees noong June 2024.
Sila ang mga klase ng bubuyog na nabubuhay mag-isa, at inaalagaan ang nagiging anak nang walang katuwang.
Hindi rin sila gumagawa ng colonies gaya ng honeybees o bumblebees.

Ninety percent ng bees ay solitary at naninirahan sa mga kagubatan at gardens.
Harmless ang mga ito at walang sting, dahil wala silang hive o store of honey na pinoprotektahan.
Hindi rin sila nagpo-produce ng honey.
Sa Pilipinas, ang solitary bees ay karaniwang namamahay sa loob ng mga tuyong kawayan o tuyong sanga ng punongkahoy na hollow ang loob.
Read: CHECK THIS OUT: Binangi, a house built without nails, steel
SOLITARY BEES CAN CHECK IN AND CHECK OUT AT BEE HOTELS
Ang bee hotels para sa solitary bees sa Colombia ay yari mula sa tabla at may bubong na gawa sa acrylic para maprotektahan sila sa ulan.
Ang hexagonal structures ay pinuno ng iba’t ibang bamboo canes kung saan puwedeng mag-check in ang solitary bees.
Inilalagay ang bee hotel sa isang sunny, south-facing location na napapaligiran ng bee-friendly flowers.
Ito ay makaka-attract sa mga bees.

Paliwanag ni Hector Ivan Valencia, assistant para sa local authority's risk management unit, "It's like a hotel because here, they're going to have a quiet moment in their room before setting off again.”
Pagsapit ng umaga at naka-“check out” na ang mga solitary bees para maging abalang muli sa pollinating, ang team ni Hector ang naglilinis ng kanilang tiny hotel gamit ang iba’t ibang paint brushes.
Ani Hector, "If this were a regular hotel, I'd be one of the people cleaning the rooms."
Read: Why hanging overripe bananas in your garden is beneficial
COLUMBIA IS TRYING TO RESCUE SOLITARY BEES
Ang Colombia ang itinuturing na “world's second-most biodiverse country” kasunod ng Brazil na nasa top spot.
Sa Colombia ay may registered 550 varieties of bees sa borders nito batay sa tala ng environment ministry.
Kabilang ang hindi registered varieties of bees, tinatayang ang bilang ay nasa 1,445 varieties.
Tulad sa ibang bansa, ang bees ay crucial sa fertilization ng mga halaman.
Mahalaga ang kanilang papel lalo na sa mga commercial areas, kung saan ang pagdami ng mga halaman ay apektado ng mga aktibidad ng mga tao.
Napipinsala ang mga halaman dahil sa paggamit ng pesticides at commercial fertilizers.
Naririyan din ang banta sa kanila ng climate change.
Ang bee hotels ay ginawa para maprotektahan ang solitary bee species na matatagpuan sa 10 municipalities ng metropolitan area ng Aburra Valley, kabilang ang Barbosa at Medellin, ang second city ng Colombia.

Ayon kay Juan David Palacio, director ng metropolitan area's environmental and transportation authority: "Globally, bees are being negatively impacted and they are losing more spaces every day.
“These little bees are supremely sensitive to poisons.
“And since they don't produce honey, no one speaks up for them—so we're coming to the rescue."
