PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gene Hackman and wife cause of death revealed

Gene and his wife Betsy reportedly died a week apart from each other.
by Mark Angelo Ching
Published Mar 8, 2025
gene hackman betsy arakawa
Gene Hackman reportedly died because of a heart disease one week after his wife Betsy passed away due to hantavirus.
PHOTO/S: Leslie Hackman

Batid ang dahilan ng pagkamatay ni Gene Hackman at ng asawa niyang si Betsy Arakawa.

Read: Gene Hackman, wife, dog found dead in New Mexico home

Ayon sa report ng Variety magazine, namatay sa sakit sa puso ang kilalang Hollywood actor. Isang nakamamatay na virus naman ang pumuksa sa kanyang asawa.

Ito ang findings na inilabas ng medical examiner noong Biyernes, March 7, 2025.

Ayon kay Heather Jarrell, ang chief medical examiner ng New Mexico Office of the Medical Investigator, unang namatay si Betsy noong February 11, 2025, dahil sa hantavirus, na nakukuha sa daga.

Matapos ang isang linggo, noong February 18, 2025, ay namatay naman si Gene dahil sa cardiovascular disease. Dumagdag din sa dahilan ang kanyang Alzheimer’s disease.

Matatandaang natagpuang wala nang buhay ang mag-asawa sa kanilang bahay sa Santa Fe, New Mexico noong February 26, 2025. Si Gene ay 95 years old, at si Betsy naman ay 65.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gene Hackman, wife's death now called "suspicious" by authorities

HOW GENE HACKMAN AND BETSY ARAKAWA WERE FOUND

Isang maintenance worker ang tumawag sa mga awtoridad matapos nitong mapansin na bukas ang pinto ng bahay nina Gene.

Natagpuan ang mag-asawa na nakahiga sa sahig ng magkaibang kuwarto. Nasa isang mud room na malapit sa kusina si Gene, habang nasa bathroom naman si Betsy.

May nakita ring patay na aso sa isang closet malapit sa katawan ni Betsy. Hindi pa alam ang dahilan ng pagkamatay ng nasabing hayop.

GENE HACKMAN HIT MOVIES

Sikat si Gene dahil sa maraming pelikula, tulad ng Bonnie & Clyde, I Never Sang for My Father at Mississippi Burning.

Noong 1971 ay nanalo naman siya ng Best Actor award sa Oscars para sa The French Connection. Best Supporting Actor Award naman ang tinanggap niya sa Academy para sa Unforgiven noong 1992.

Si Betsy naman ay isang classical pianist at busineswoman na may-ari ng isang furniture store. Pinakasalan niya si Gene noong 1991.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gene Hackman reportedly died because of a heart disease one week after his wife Betsy passed away due to hantavirus.
PHOTO/S: Leslie Hackman
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results